"Minamahal Kita" : A Filipini Poetry (All A)

in #poetry7 years ago

"Minamahal Kita"

images (4).jpg


Minamahal kita, o aking sinta
Bat ba hindi ka naniniwala?
Araw-araw laging nasa isip ka
Minu-minuto sa isip di ka mawala

Handa akong maging makata
Maipadama ko lang ang nadarama
At maisabi sayo ang mga kataga
At makita mong "Minamahal Kita"


Hindi kaba minsan nagtataka
Kung bakit biglang napapagod ka
Sa isip ko kasi tumatakbo ka
Hiling ko nga sana ay madapa ka


Tuluyang mahulog sa'yong pagkadapa
At andito ako upang saluhin ka
Superhero lang ang dating ko diba?
"Minamahal kita" kaya yun ay magagawa


Sa kalawakan ay ipapasyal kita
At saksi doon ang lahat ng madla
Sila ang aking magiging pruweba
Na tunay at dalisay na "Minamahal Kita"


Ibibigay ko ang lahat kahit ang wala
Walang matira sakin para lumigaya ka
Ibubuhos ko ang lahat sa'ting pagsasama
Hindi ka iiwanan kahit tayo'y tumanda

images (5).jpg


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

Its really nice po talaga. Sana Ipagpatuloy Mopa ang pag gawa ng ganyang tula, kase bibira na lang sa ating mga pinoy ang gumagawa ng mga tula at my mga ganyang talento. You make me proud as pinay 😊 👏

Does engineering inspires you for this post @jassennessaj.. The love for engineering? Hahaha kidding

Whaahah @trydaily. Actually its part of our lesson 😂

Lovely poem tho. I like hearing "mahal kita" and "minamahal kita"... Its weighs more

Lodi @jassennessaj. Where do you find the inspiration to create posts like this? Well, it comes natural to you i guess. I dont know why pero tagalog is a struggle for me. By end of the year hope i'll create at least one in tagalog and one in bisaya. God speed! Keep posting.

Haha senpai @invictuz. My past time only. I used to make poetries of love because I'm hopeless romantic 😂

Haha, i think most pinoys are. If we look back we came from a history where our lolo's do tula and haranas.

Medyo nakakanosebleed ito Sir. Haha pero good job!

nice one.

There something magical in this painting. I really like it.

saksi lahat ng mga tala! tala! tala! talaaaaa....

Ang dakilang makata idola

Ahahaha. Ayaw ana kim

Wow..ang ganda, the power of love nga naman..

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54225.25
ETH 2280.38
USDT 1.00
SBD 2.29