"Ikaw na nga Talaga" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Ikaw na nga Talaga"


Bakit ba ang perpekto mo sa akin
Napapatingala habang nakatingin.
Sa mukha mong palaging nakikita
Mga mata mo'y matang pang chinita.

Ikaw na nga ba talaga?
Ang dinig ng mga tala?
Ikaw ang sagot sa panalangin
Ikaw na nga sa aking tingin.


Sa tuwing naiisip kita, ako'y palaging ganado
Todo bigay sa mga gawain, palaging aktibo.
Yan ang hatid ng tulad mo sa aking buhay
Binuhay mo ang pusong matagal ng patay.


Sana ikaw na nga, ang iniirog ko sinta
Araw-araw, sa'yo ako manghaharana.
Di alintana ang sasabihin ng mga tao
Mahal kita, ibibigay ko ang lahat ng ako.


Pipilitin kong hahantong tayo sa simbahan
At tayo nay palaging magkatabi sa umagahan.
Habang sa bukana ng dagat tayo'y nakatingin
Sa balkonahe hagip natin ang simoy ng hangin.


Buong buhay kitang pagsisilbihan
Reynang turing ikay papahalagahan.
Kahit sa buhay, maraming mang pagsubok
Haharapin ng magkasama, anumang dagok.


Ibinigay ko na sa iyo ang lahat
At ibibigay ko pa sa iyo ang lahat.
Pangako, araw-araw kitang aalagaan
Ngayon, bukas, at magpakailanman.


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :



Photocredit : OneTwo

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets TiredHappy Birthday Mama Ko

Sort:  

Painting is silent poetry, and poetry is painting that speaks.
Nice dear.

grabe @jassennessaj dami mo ng tulang naiblog galing

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64460.09
ETH 3150.74
USDT 1.00
SBD 2.54