"Hinahanap-Hanap Kita" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Hinahanap-Hanap Kita"


Bakit lagi kang nasa isip sinta
Araw-araw hinahanap-hanap kita.
Di mapakali, palaging nangangamba
Umiiling, humihiling sa mga tala.

Ano bang ang mayroon ka
Bakt hinahanap-hanap kita.
Mga ngiti mong kay tamis
Hindi ko talaga ito matiis.


Makita ka ako'y biglang gumagana
Kapag nariyan ka ako'y sumisigla.
Gusto kitang makita tuwing umaga
At gustong kasama makita ang mga tala.


Hayaan mo na sana ako
Na masilayan ang tulad mo.
Lagi kitang hinahanap-hanap
At sana pwede kitang mayakap.


Kapag kasama kita'y parang nasa ulap
Parang nasa langit na puno ng alapaap.
Hawak ang kamay habang naglalakad
Damang-dama ang init ng iyong palad.


Hahawakan ko iyon hanggang sa huli
Habang sa ulap tayo'y magkatabi.
Habang tayong dalawa'y nakangiti
Kitang kita ang saya sati'ng mga labi.


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :

Photocredit : One Two

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets TiredHappy Birthday Mama Ko
-Takot Akong Mawala Ka
-Unti-Unting Nahuhulog

Sort:  

this is so great omg i love it.

very good writing

This post was promoted with @monitorcap traffic bot & STEEM promotion service.

Send MIN. $1 SBD to @monitorcap bot with your link in MEMO field
and recieve upvotes & resteems for your posts. @monitorcap - where 'seen' matters !

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.12
JST 0.031
BTC 61258.08
ETH 2873.80
USDT 1.00
SBD 3.56