"Ibubuhos Ko ang Lahat" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Ibubuhos Ko ang Lahat"


Maraming beses na akong nasaktan
Maraming beses ka na rin iniwan.
Pareho tayong pinaglaruan ng tadhana
Sa isip ang mundo'y malupit at masama.

Hindi naging mabuti sa atin ang madla
Mga puso natin ay kanilang binalewala.
Labis at sobra ang ating pagkadapa
Lugmok sa sakit at hirap na nadarama.


Nag-iba ang lahat ng tayo'y magkita
Mga pusong ligaw ay sadyang pinagkita.
Parehong sabik sa toong pagmamahal
Panalangin sana dinggin ng maykapal.


Palagay ko pangyayari'y lahat ay sinadya
Ng panginoon para tayo ay magkita.
Matantong tayo ay para sa isa't-isa
Makamtan ang tunay na tamis ng ligaya.


Kaya ngayon, "Ibubuhos ko ang lahat"
Lahat-lahat ng meron ako para maging sapat.
Sapat na iyong maramdaman at masaksihan
Kung gaano katamis ang ating pagmamahalan.


Mga pasakit na sa ating ay dumaan
Ito'y aral para ating paghandaan.
Ang tunay na pagmamahalan ay kusa
At hindi yung sa huli tayo ay nagdudusa.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

My Filipino Poetries :
Takot Akong Mawala KaUnti-unting NahuhulogMga Nakaw na Sandali
Hinahanap-Hanap KitaPinaasa Mo Lang PalaPagtatampo
Patawad ang HilingSalamat PanginoonPag-ibig na Walang Hanggan
NakakabaliwMahal Parin KitaNakakapagtaka
Tinamaan Nga AkoMinamahal KitaPuso'y Ikaw ang Pinili*
Happy Birthday Mama KoIkaw na nga TalagaHahantong Sa Simbahan
Binibining KaygandaBat Biglang Napagod?Tadhana'y Pinagkait
O aking munting PrinsesaIneng, saan napunta ang iyong Dangal?Malaya
SandalanMahal Kita Kahit Magkaibigan lang TayoOh! Kaibigan ko
Oh Thesis KoUna't Huling Iibigin koNasaan ang Hustisya
Nanggigigil Ako Sayo

and Here are my English Poetries

My English Poetries :
Dear FriendIt Should have been MeMy Love
LifeSecret LoveWarriors Affection
Everything was PerfectAlways Be FriendsThis Can't Be True
YouEverytime I look at youWhen I look in your Eyes
Superman Gets TiredHow Real is the WorldLanguage

Maraming Salamat. Hanggang sa Muli!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

Very nice poem. It has great meanings. Good post. I really love it.

words are very beautiful. i really like to read it

Galing naman ms @jassennessaj👏🏻

a very nice poem @jassennessaj, I really like the poetry, but I am still learning to write poetry. Because I have not been able to write good poetry like you. I've posted some poems on in steemit. But no one likes. But I will not give up and always try to be able to write poems like you, let everyone like. Thanks for sharing a poem that motivated me. Thank you and hopefully you will be more successful in working... :)

Hugot lines from a poet ^^

pwede na gawing kanta :)

Ang ganda ng mensahe ng tula. Sobrang nakarelate ako.💖 ang husay mo!

An inspiration for us hopeless romantic poets.

Ako'y sobrang namangha sa iyong likha kabayan

Para akong nagspoken poetry sa ginawa ko , sinabayan ko ng music

Bro nice ito ! , ilagay mo sa Dtube na may Music :)

Upvote and Follow.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59426.36
ETH 2654.07
USDT 1.00
SBD 2.43