"Happy Birthday Mama Ko" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Happy Birthday Mama Ko"


Happy Birthday sa iyo mama ko
Galing sa iyong anak na maginoo.
Ngayong ika-45 mong kaarawan
Sana'y lubos ang iyong kasiyahan.

Salamat sa matinding sakripisyo
Kahit kami makulit sa inyo.
Pasensya sa pagiging pasaway
Dahil palagi ka naming inaaway.


Umaga't gabi, ika'y palaging pagod
Lahat ng gawain ikaw ay kumakayod.
Linis dito, luto doon, laba dito, hugas doon
Nakakapaghinga ka lang tuwing dapit hapon.


Kaya ganado akong kumakayod sa buhay
Sa skwela, ako'y palaging kumakaway.
Ika'y aking inspirasyon sa lahat ng bagay
Kung may problema, palagi kang dumadamay.


Humuhugot ng lakas mula sa iyo
Ganado kahit may problema tayo.
Ika'y palaging sumusuporta sakin
Kahit anuman ang landas na tahakin.


Salamat ma, ikaw ang naging na ko
Wala ng hihigit pa sa mamang katulad mo.
Tuloy ang pangarap, yan ang aking pangako
Tayo'y giginhawa, pag nakapagtapos na ako..


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :



Photocredit : OneTwo

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets Tired

Sort:  

Nice and inspirational poem, and extend my birthday greetings to your mom@jassennessaj,..... happy birthday...

Happy Birthday Po! I hope Jass spoiled you rotten! ❤❤❤❤

Thank you very much po @bearone. Nakarating na kay mama :)

Pa Happy birthday ko ni tita! Bagets pa kaayo lage! :D

Hahaha Thanks Lodi :)

Happy Birthday to your Mom @jassennessaj!

Galing po @jassennessaj , I love doing poems too 😀 Happy birtday to your mother

Maraming salamat @dranren. Aasahan ko ang iyong mga gawa! :)

Happy birthday sa Mama mo. :)

Thank you very much @zararina.

Wow!!! Galing!!! Gumagawa din ako ng poems, bago lang, kaya di gaanong ganda tulad nito..

Ang Steemit ay napakamainam na training ground para sa paghubog sa iyong talento sa tula :)

ang ganda ng inyong tula. happy birthday sa mama mo. birthday rin ng mama ko ngayong araw na ito, sayang nga lang kasi hindi ako nakagawa ng tula para sa kanya.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64149.44
ETH 3145.56
USDT 1.00
SBD 2.53