Tulang Pilipino : "Oh Thesis Ko" (Oh, My Thesis!)

in #poetry7 years ago

images (4).jpg

Hunyo hanggang Oktobre ang ginugol ko sayo,
Umaga, tanghali, at gabi binuhos ko.
Pilit isinasakatuparan ang ipinasang proyekto,
Kahit utak, mata, at ilong ay dumugo.

Pinilit kong maging programmer kahit ang kinuha'y pagigng inhinyero.
Inuusisa ang mga codes kahit ansakit sa mata ko.
Hindi mawari kung saan nagkakaproblema,
Tuldok ba, kuwit, o sa kung ano ako'y nagtataka.

Sulirap na ang mata, halatang balisa.
Tutok na tutok sa mga letrang may hiwaga.
Naghihintay ng milagro na sa isip sumagi,
Upang mapagana at maging kawili-wili.

Pagod na pagod na ako, gusto ko nang magpahinga.
Isip at kaluluwa'y pagod ay di na kinaya.
Pero ni kahit minsan, di ko naisip na sumuko.
Kaya sana gumana kana, "Oh Thesis Ko"

Kailangan namin ang Panalangin nyo

Isang linggo na lang, at matatapos na ang kalbaryong ito. Kunting kembot pa, at matatapos na talaga. :'(

Photocredit

Talagang pagod na,

@jassennessaj

Sort:  

work is very tiring but we must always the spirit.good job..

Fighting! Nagthe-thesis din po ako ngayon. Kaya mo po 'yan. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64460.09
ETH 3150.74
USDT 1.00
SBD 2.54