"Pinaasa Mo Lang Pala" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Pinaasa Mo Lang Pala


Akala ko'y iyon na ang pagkakataon
Siguro baka ang pinakamasayang taon.
Dahil sa kasama kitang lumabas
At manuod ng magandang palabas.

Matagal na nating pinlano iyon
Mga ilang linggo bago ang panahon.
Hanggang sa isang araw nalang ang kulang
Nagtext ka na at sabing "pasensya nalang".


Nakakadismaya ang iyong mga sinabi
Dineretso mo at wala man lang pasintabi.
Ako'y masyadong nalungkot sa nabasa
Di makapaniwala, "Pinaasa Mo lang Pala".


Sana ay hindi ka nalang umoo
Kung ganun pala ang desisyon mo.
Mga sinabi mo'y nakakadismaya
Ako'y napailing at napatingala.


Sinta, akala ko tayo'y handa na
Ay mali, "Pinaasa Mo lang Pala".
Kay saya sana ng panahong yon
Pero sinayang mo ang pagkakataon.


Di bale, mawawala din sa isip ko.
Ang pagkakataong sinayang mo.
Akala ko tayo'y magiging masaya
Sa araw na yun pero "Pinaasa Mo lang Pala".


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :

Photocredit : One Two

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets TiredHappy Birthday Mama Ko
-Takot Akong Mawala Ka
-Unti-Unting Nahuhulog

Sort:  

good post Friends @bijoy123

Thanks! I appreciate it.

hugota pa besh kay medyo luag luag sya.

Wag po masyadong magpadala. Tula lang yan :P

hahahaha okay lang yan friend.

You're really talented in making poem mate. I really enjoy reading your poem especially in Filipino language. Isa kang tunay na makata kabayan.

I'm not a bitter person but, the message in your poem is really true. There are really "Paasa people". Pag-ibig talaga, ano po? Hindi maintindihan.

This article deserved most. Upvoted!

You are good. I like you. Will you be my friend?

paturo po gumawa ng makakabagbag damdaming tula hahha

ang ganda naman ng tula mo...

This post was promoted with @monitorcap traffic bot & STEEM promotion service.

Send MIN. $1 SBD to @monitorcap bot with your link in MEMO field
and recieve upvotes & resteems for your posts. @monitorcap - where 'seen' matters !

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64476.22
ETH 3153.91
USDT 1.00
SBD 2.54