"O aking munting Prinsesa" : Tulang Magpapaantig sating mga Puso

in #poetry7 years ago

"O aking munting Princessa"



Oh binibining napakaganda
Akoy nabighani sa'yong magandang mukha
Tamis ng iyong mga ngiti
Ako'y talagang nabighani

Araw-araw ika'y sumasagi sa isip ko
Di ko namalayang ika'y nasa puso ko
Kilos moy sobrang napakahinhin
Akoy naantig, sa iyong mga tingin


Katulad mo'y di mawari sa aking utak
Kahit luhay ilalaan sayo ang patak
Mukha moy napakaa-amo
Napakacute, parang sumasamo


Bawat minuto, oras, o araw ika'y haharanahin
Bawat sandali, ika'y aking papakiligin
Tulad mo'y mistulang diamanteng matulis
O kaya'y muwebles, na napakakinis


O giliw ko, ang katulad mo'y dapat alagaan
Iingatan, ang bawat ala-alang magdaan
Kailan man ay di ko kayang sabihin ayoko sa'yo
Sana'y itaga mo yan sa bato


Tara sama ka, ililibot
Sa palasyo ng pusong ikaw ang prinsesa
Ako ang prinsipe sa ating kastilyo
Tayo'y mamumuhay hanggang sa dulo


Maraming salamat sa pagbasa

Kung may mga suhestyon o komento kayo sa naturang tula, sana'y iyong mapahiwatig sa blog na ito. Ako'y lubos na nagpapasalamat

Marami akong mga tula at poetry sa mga blogs ko. Kung may oras kayo, paki-check naman sana sa mga posts ko. Maraming salamat sa pagbasa! :)

Hanggang sa muli


Photocredits : One Two

Sort:  

KAwili wiling tantuhin bawat katagang naninilay sa bawat akmang letra na aking nababasa katagay kahikahikayat saloobin pagbasay kaayaaya kwentoy nakakabighani datapuwat pag irog itong kinakamit sa diwa at pusoy paraluman aking sintang irog.

pwede ng gawing kanta to lalapatan na lang ng music.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 60643.63
ETH 2401.98
USDT 1.00
SBD 2.61