"Takot Akong Mawala Ka" : A Filipino Poetry
"Takot Akong Mawala ka"
Tulad moy ibang - iba.
Nag-iisa ka lang sa mundo
Wala na papalit sa tulad mo.
Kaya gusto kitang ingatan
Araw - araw na aalagaan.
Ika'y palagi kong pangarap
Sana'y maging akin sa hinaharap.
Wala ng iba pang hihilingin
Kundi ang iyong pagtingin.
Ang mga matamis mong ngiti
Ang mga mapupula mong labi.
Pati mga mata mong mapupungay
Mga tingin ko'y laging natatangay.
Gusto kita na laging makita
Ika'y bitamina saking mga mata.
Pakiusap minamahal kong binibini
Wag kang mawala saking muni-muni.
Dahil pati langit ikaw ang hinuhuni
Tugtog na tayo'y laan para sa huli.
Ako'y palaging nasa tabi mo
Pangako akoy nagpapakatotoo.
Sa buhay ko ika'y napakahalaga
Peksman, takot akong mawala ka.
Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)
Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.
No comment friends
Muy bueno @jassennessaj
muy bien Senior @jassennessaj.
your friend
@sorenkierkegaard
Am happy you have put part down in english