"Mahal Parin Kita" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago


Bakit ba mahal parin kita?
Sa kabila ng sakit na nadarama.
Matindi ang naging kirot at hapdi
Kahit sino man ay di makakapagpawi.

Ngunit sa kabila ng lahat ba't nandito pa
Ang pagmamahal na lubos at sobra.
Kahit matindi ang sinapit sa iyo
Di mapigilan puso ko'y para sa iyo.


Ganito nga pa ang pagmamahal?
Kahit masakit kaya parin magdasal?.
Na sana'y maging tuwid ang lahat
At sa isa't-isa tayo'y maging tapat.


Kahit gaano karaming dahilan na iwan kita
Di ko parin magawa-gawa dahil mahal kita.
Lahat ng parte ng katawan ikaw ang hinahanap
Ngunit kahit anino mo'y hindi ko mahagilap.


Bakit ba mahal parin kita?
Kahit ako'y parang mamamatay na.
Hindi ko kaya ang iwan ka
Ewan ko, dahil ba mahal kita?.


Yan lang ang katagang palaging masasabi
Sa tuwing nasasaktan, ang kirot mahapdi.
Ngunit kapag maiisip kita, lahat napapawi
"Mahal Parin Kita", yan lang ang masasabi.


Babala

Lahat ng mga katagang yan ay kathang isip lamang at hindi kailan man nangyari saking buhay. Mas magiging magkomento nalang sa tula at wag-iayon sa akin ang konteksto

Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Nagmamahal (Katuwaan lang)

Jassenn

Photocredits : 1 2

Sort:  

Beautiful poetry We can share our thoughts through poetry. What's in our minds And it sounds good to everyone. I also sometimes post some poems and I feel happy thank you for sharing your thoughts through your beautiful poems.

Grabe ang hugot mo sir @jassennessaj natamaan ako doon ahh. Nice one sir.

Haha. Hahaha. Laughtrip.

I think based na sa imo experience sir @jassennessaj bow to you sir.

Hahahahaha grabe ate jona uy para gyud ni nimo ate

Lageh pildi man ko wla pa kaau ko ka move on @smaeunabs hehehe

Hugot lage ay

Haha paluagan nato?

Hahahhaa... Nagloading ko kadyot...

The feels! 😭

Bakit parang estorya ko ang iyong inilahad?
Sa bawat titik ng iyong tula na sakin ay bumungad,
Di mapigilang mapaisip at magtaka.
Bakit nga ba ganito ang aking nadarama?

Ako nga ba'y napaglaruan ng tadhana o sadyang di kami para sa isa't isa?

Hahaha wag kang padala. Kasi pag madala ka, talo ka. Love is a game, kung sino ang unang ma inlove, siya ang talo :P

What if I wasn't the one who fell in love first?
Matatawag mo pa bang ako'y talunan?
Sa larong ito na puso ang labanan.
How do we really measure the feelings that burst?

Ako nga ba'y sadyang pinanganak para masaktang lamang?

Go nik hahahahs

hahaha attack! Tama! Paano natin iiwan kung una tayong iniwan? Hahahah

Ewan ko lol

great poetry @jasssennesaj
THANK YOU FOR SHARE

Please I will appreciate if you have an English version of the poem. I love poems

Wag kana pong magpaliwag. Sino po ba ang tinutukoy mo dyan? Hahaha

Peace out.

Meron ba talaga? Hahaha sana nga meron.

Meron yan haha

Hahaha Kala ko kwento mo jass.😁

Hahaha. Wag naman sana @dearjyoce. Magpaparebus pa ko.

Common! Let's go!

life is unfair. pero kahit ganun madami ka parin talagang dapat ipagpasalamat. nice poetry idol :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64476.22
ETH 3153.91
USDT 1.00
SBD 2.54