"Mahal Kita Kahit Magkaibigan Lang Tayo" : A Filipino Poem
My love for you is eternal, bountiful, and endless.
di mo lang alam ang aking nararamdaman
Sa paglipas ng panahon, aking nalaman
Sa isa't-isa pala'y may nararamdaman
Minahal kita, Minahal mo ako
Gulat ako sa umabot na punto
Higit pa sa kaibigan ang 'yong gusto
Ngunit bawal pa akong magkatrato
Nag-iiba minsan ang iyong ugali
Abala ako, Di ako mapakali
Di ko alam sino sa'tin ang isisi
Minsan sinisi nalang ang sarili
Naging okay lang sakin, ewan ko sayo
Ewan ko rin kung mahal mo ba ako
Pero gusto ko ring ipadama sa iyo
Mahal kita kahit kaibigan lang tayo
Love Strikes! Love wins!
Maraming salamat sa pagbigay ng oras na tumingin sa natura kong gawa. Nawa'y nagustuhan ninyo. God bless you, kabayan!
ganda ng pagkagawa mo sir, isa ka talagang makata napakaganda ng nilalaman ng iyong tula.,