"Iibig nang Muli" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Iibig nang Muli"


Kahapon lang ay matindi ang kalungkutan
Halos mata'y di makita sa labis na iyakan
Dulot ng nasirang pag-iibigan
Sa taong di dapat sana paglaanan

Ngunit sinalba mo sa malagim na kahapon
Ang pusong wasak na naitapon
Nabigyan pa ito ng liwanag
Nabuhay muli at di na matitinag


Kinulayan mo ito ng mala bahaghari
Punong-puno ng galak sa mga pangyayari
Nabihag mo ang aking pusong noon ay nasawi
At ito ay iibig nang muli


Para sa'yo ako'y iibig nang muli
Ipaparamdam ko ng totoo aking sinasabi
Sa'yo ay kampati nang lubos ang damdamin
Nangangakong ikaw na ang iibigin


Nalaman ko rin ang iyong kasagutan
At ako'y nakuhanan ng tinik sa lalamunan
Napalitan ng saya aking mundo na dati'y lungkot
Sapagkat napakatamis mong "oo" ang sagot


Batid kong mabilis ang mga pangyayari
Pero sadyang puso'y di marunong magkunwari
Pagmamahal sa'yo abot hanggang langit
Sa'yo hindi kailanman ipagkakait



Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

My Filipino Poetries :
Takot Akong Mawala KaUnti-unting NahuhulogMga Nakaw na Sandali
Hinahanap-Hanap KitaPinaasa Mo Lang PalaPagtatampo
Patawad ang HilingSalamat PanginoonPag-ibig na Walang Hanggan
NakakabaliwMahal Parin KitaNakakapagtaka
Tinamaan Nga AkoMinamahal KitaPuso'y Ikaw ang Pinili*
Happy Birthday Mama KoIkaw na nga TalagaHahantong Sa Simbahan
Binibining KaygandaBat Biglang Napagod?Tadhana'y Pinagkait
O aking munting PrinsesaIneng, saan napunta ang iyong Dangal?Malaya
SandalanMahal Kita Kahit Magkaibigan lang TayoOh! Kaibigan ko
Oh Thesis KoUna't Huling Iibigin koNasaan ang Hustisya
Nanggigigil Ako SayoSa Iyong PaglisanSapat ba Aking Pagmamahal
Huwag Ka Lang MawawalaBigyan Mo Sana ng PansinIbubuhos Ko ang Lahat
Ikaw Lang ay MaangkinBaliw na Kung Sabihin Man ng Iba

and Here are my English Poetries

My English Poetries :
Dear FriendIt Should have been MeMy Love
LifeSecret LoveWarriors Affection
Everything was PerfectAlways Be FriendsThis Can't Be True
YouEverytime I look at youWhen I look in your Eyes
Superman Gets TiredHow Real is the WorldLanguage
Lovers from Afar

Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2

Sort:  

Just awesome poem.I like it.thank you very much for sharing a wonderful post with us.hope it will be liked to all.keep it up.thank you.go ahead

thank you for providing my friend information, may be useful to all of us thanks, very good post and great poetry.

Sir @jassennessaj, such a good read.

Naantig po ako. Napakaganda po! 🤗

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64573.45
ETH 3441.06
USDT 1.00
SBD 2.51