"Huwag Ka Lang Mawawala" : A Filipino Poetry
"Huwag Ka Lang Mawawala"
Iba ang tibok ng puso pag kasama ka
Ihip ng hangin parang dumadaplos
Pakiramdam ko'y ginaw ay humahaplos
Hindi mo ba iyon napapansin?
Pagtingin ko sayo'y di maamin
Ang tindi ng saya na dulot mo
Iba ang hatid dala pa sa pagtulog ko (lol)
"Huwag ka lang mawawala
Dahil sayo ako'y sumisigla
Hiling kong sana'y panghabangbuhay
At ating ibuklod ang ating mga buhay
Sabay natin haharapin ang hinaharap
Hindi tatalikod, tayo ay haharap
Sa mga pagsubok na mga darating
Magsasama kahit san man marating
Bigyan mo lang sana ng pansin
Itong lihim ko sa'yong pagtingin
Bigyan mo lang ako ng mga pahiwatig
At pag-ibig ko sayo'y buong ipapahiwatig
Mundo mong marupok aking tatahakin
Kamandag ng nanay mo'y aking susuungin
Dahil ang katulad mo'y ibang-iba
Kaya sana "Huwag ka lang mawawala"
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Nice post my friend @jassennessaj and good you shre
This is a great poetry @jassenesaj, i like it
Hahaha yes @jassennessaj hndi kmi mawawala dito lang kaming mga steemians para sayo😂😂😂
Sarap basahin lagi ng tula mo😁😁😁😁
nindot lagi ni imo balak dong!keep up the good work.
Ang galing mo sir @jassennessaj
Hindi ako mawawala. Hahahah... Iba ka talaga @jassennessaj.
Salamat sa iyong napakagandang likha @jassennessaj :) Isa kang makata :)
I was wondering if you could do a translation. I don't want to miss this fantastic piece.
in love jud ni kaau xa bah.... pagbasa nako sa imong title, nikanta daun ko ug ..
wag ka lang mawawala... kpag nariyan ka ako'y sumisigla!!!!