"Unti-unting Nahuhulog" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Unti - Unting Nahuhulog"


Bakit ba sobrang bait mo?
Unti-unting nahuhulog ako.
Kabutihan mo'y nakakaakit
Higit pa sa mukha mong marikit.

Ika'y sobrang napakalambing
Katulad mo'y maihahambing.
Sa isang anghel na hulog ng langit
Mata mo pa'y napakasingkit.

Di ko mabaling ang aking atensyon
Sa ganda mong puno ng atraksyon
Araw-araw ako'y nahuhumaling
Kita kita palagi sa aking piling


Giliw sana naman iyong mapansin
Tulad kong may lihim na pagtingin.
Pangako tulad mo'y hindi bibiguin
Pilit aabutin ang mga tala at bituin.


Kung tayo man ang itinadhana
Panalangin ko'y sana'y tayo na nga.
Ika'y pangarap na hirap abutin
Prinsesa ka, ako'y pipityugin.


Kung wala mang pag-asa'y tigilan mo na
Ang lambing mong nakakahumaling na.
Kung wala man sana'y tigilan na ito
Kasi ako'y unti-unting nahuhulog sayo..


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Narito ang kompilasyon nga mga nagawa kong tula sa mga nagdaang araw :

Photocredit : One Two

English Poetry
Filipino Poetry
Dear FriendNasaan ang Hustisya
It Should have been MeUna't Huling Iibigin ko
My LoveOh Thesis Ko
LifeMahal Kita Kahit Magkaibigan lang Tayo
Secret LoveSandalan
Warriors AffectionOh! Kaibigan ko
Everything was PerfectMalaya
Always Be FriendsIneng, saan napunta ang iyong Dangal?
This Can't Be TrueO aking munting Prinsesa
YouTadhana'y Pinagkait
Everytime I look at youBat Biglang Napagod?
When I look in your EyesBinibining Kayganda
Superman Gets TiredHappy Birthday Mama Ko

Sort:  

napakagandang tula, at napaka romantiko, maaari kong hiramin upang ipakita ang aking pagmamahal sa aking minamahal @ja

Maraming salamat @diansolo. Ito'y open para sa lahat. Kung gusto mo itong gamitin, akin itong kinukumpirma :)

Great poetry @jassennessaj I appreciate you 👍

very interesting job

unti-unti rin ako nahulog sa kanya, dahil sa akanyang kabai-tan

Awww... Kilig :D
Iba talaga kapag tinig ay naririnig
puso ko'y biglang pumintig
lalo na pag ikaw ay tumitig
ako'y biglang kinilig

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 63857.77
ETH 3117.63
USDT 1.00
SBD 3.87