"Mahalin Mo Kung ano Ako" : A Filipino Poetry
"Mahalin Mo Kung ano Ako"
Noong gabi na tayo'y nagkita
Mukha natin puno ng tawa at ngiti
Pero meron akong konting pagsisisi
Ordinaryong problema madali sana maresolba
Ngunit kamakalawa ay may nagbago na
Hinahanap mo ang mga mali sa'king nagawa
Sa iyo hindi pa rin nagsasawa
Sana'y mahalin mo kung ano ako
Sa payak na katayuan kong ito
Wag mo akong mahalin sa pansariling mithiin
Na ako sa'yo ay parang alipin
*Kung ginagamit mo lang ako *
Para sa mabisa mo na panloloko
At ni minsan hindi mo minahal
Nawa'y palayain mo ang taong minsan sa'yo nagmahal
Kung kilos mo na ang nagapapahiwatig
Hindi magkukunwari'ng lisanin ang pag-ibig
Ang pag-ibig ay hindi idinisenyo
Sa sarili mong kahulugan na sobrang napakalabo
Mahalin mo kung ano ako
At susuklian ko nang buong-buo
*Kung hindi man ay maaari na natin lisanin *
Ang buhay na kasama natin binuo para sa bagong simulain
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Beautiful post with ful of feeling thanx for sharing
Sad reality. Sobrang tama.
wow .. what a nice post @jassennessaj . i like your post to much. thanks for sharing post.