"Tinamaan Nga Ako" : A Filipino Poetry (All O)

in #poetry7 years ago

"Tinamaan Nga Ako"

unnamed.png


Walang hiya ka kupido
Bat ako ang pinuntirya mo.
Di ko kailanman ito ginusto
Lintek, "Timaan nga Ako".

Nung mahulog ako sa iyo
Nag-iba ang ikot ng mundo.
Araw-araw ikaw ang hanap ko
Minu-minuto ang pagsagi mo.


Ang isip ko'y gulong-gulo
Ako na ay parang nalilito.
Ikaw ang laging hanap ko
Laman ka na nga ba ng puso?


Umilaw ang aking mundo
At ikaw ang dahilan nito.
Mga lakad nati'y tuwing linggo
Walang mintis dahil ito'y ating gusto.


Ewan ko ba pero nag-iba na ako
Simula nang ika'y makapiling ko.
Hudyat bang nahulog na sayo?
Ang puso kung baliw na baliw sayo.


Walang hiya ka talaga kupido
Lintek! Tinamaan nga talaga ako.
Kung ganun, mamahalin kita ng buong-buo
Walang katapusan yan ang aking pangako.

unnamed (1).png


Maraming Salamat! (Thank you for Reading)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

Haha.. natawa ako sa tula mu, talagang sinisi si kupido n0h? Pero slow clap for you🤣
Galing chu chu..

❤️
@micch

Haha. Aww. Salamat naman at natuwa ka :) Oo walang hiyang kupido @micch

shocks! kupido! langya ka tinaman xa!

Oo eh. Pwede paki sapak @junebride? Tsaka paki sabi narin na kathang isip lamang ito. Haha

lahat ng kathang isip may pinaghuhugotan

  • tubag ni kupido

hahahah

Do you have the English translation of this? 😊

Hi @shuta. I appreciate you asking an English translation of it. I will do my best to make it within this week.

Kapag tinamaan nga naman, wala na talagang magagawa ang puso... 😅

Hahaha oo. Kaso nga lang, kathang isip lamang ito :P

hahahahaha ayeeeeeeeeeeeeeeee <3

So cool nice view

Awesome article

makatang makata, inspired na inspired ka yata kuya:D
good one!!:D

kaila jud raba ko para kang kinsa ni

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64460.09
ETH 3150.74
USDT 1.00
SBD 2.54