#100 Filipino Poetry: "Pambihirang Ikaw" 100th Poem, simply wow!

"Pambihirang Ikaw"

Pagkakilala nati'y nagsimula sa biruan
biruan mula sa iyong kaibigan
ngunit ako'y nahihiwagaan
bakit tinig mo'y hindi mapakinggan

Lumipas ang mga buwan at ako'y nanligaw
pero ang sigaw ng puso't isip ay hindi malinaw
hinintay ang isang taon upang lubusang makilala
habang tumatagal, kabutihan mo ang siyang nakikita

Nang dahil sa iyong pagkamaalalahanin
ang puso kong bato'y napaibig mo rin
mula sa pagkatigas ay naging kasinlambot ng mamon
naging inspirasyon at gamot sa kalungkutan

Isip at puso ikaw ang sinisigaw
Nilamon muna ata ako
Sa iyong ka akit akit at
Pambihirang Ikaw


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Hahaha nice :
"kaysarap pakinggan ,himig ng pag ibig
Hindi matatawaran, lumalabas sa ating bibig
Sa ganyang kagandang tinig
Masasabing pinoy talaga'y astig"

2018-01-20-12-40-18.png
@dranren

sir kay ganda ng iyong obra..maraming salamat po

nice poetry thanks for sharing

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64724.35
ETH 3436.21
USDT 1.00
SBD 2.55