#97 Filipino Poetry: "Hugot"
"Hugot"
Minsan nakakatawa pero kadalasang masakit
Dahil nanggaling sa mga taong nagipit
Nagipit sa paniniwalang natagupuan na nila
Ang taong nakalaan na para kanila'y makasama
Lahat naman siguro tayo'y may hugot
Na pilit kumakawala sa kabila ng poot
Na sa ating damdamin
Ay pilit na lumalambitin
Bawat isa'y mayroong naranasan
Na siya nating nagiging basehan
Para sa araw-araw na paninindigan
Sa bawat nating ginagampanan
Pero sana'y 'wag nating gawing dahilan
Upang puso'y mapusok kailanman
Dapit gawin na lamang inspirasyon
Para magawa ang ating misyon
Alam kong marami man tayo
Pero pilit pa rin sinasalba sa kabila ng bagyo
Pagyamanin na lamang natin ang ating sarili
Upang tayo naman ang humahalakhal sa huli
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
Your boat is very good
I just wish I could understand this :(
thanks ^^