"Pagmamahal Sayo lang Magpakailanman" : A Filipino Poetry
"Pagmamahal Sayo lang Magpakailanman"
Hindi mapakali itong puso ko
Bawat oras na lumipas hanap kita
Di matahimik hanggang sa ika'y makita
Labis labis ang sayang madarama
Kapag ika'y makita na
Magisnan ko lang ang kislap ng mga mata
Lahat ng pagsubok kakayanin ko na
Langit ang hatid sa piling mo
Ligaya tunay na makakamit sa puso ko
Di ko hahayaang mawalay ka sa akin
Ninanais ang isa't isay kapiling natin
Mga alaala nating nagdaan
Kahapon lumipas na,hindi na malimutan
Tayong dalawa ay may sumpaan
Nangangako ikaw at ako ang magmamahalan
Pagmamahal na nilaan sayo sinta
Hatid sakin tunay na ligaya
Pag-ibig na ang siyang susi
Sa puso ko na ikaw lang nagmamay ari
Ikaw ang laging nais makamtam
Sa buhay na to ikaw ang kahulugan
Aking pag-ibig walang hangganan
Pagmamahal sayo lang magpakailanman
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
I like post you @jassennessaj