"Nais kang Makita" : A Filipino Poetry
"Nais kang Makita"
![](https://steemitimages.com/640x0/https://orig00.deviantart.net/6740/f/2010/333/1/c/i_just_want_to_see_you_happy_by_crooquete-d33vuvb.jpg)
Mundo ko'y biglang naglaho
Ang saya'y nawala lang bigla
Ligaya'y nawala nung lumisan ka
Di ko mapigilang isipin ang nakaraan
Nakaraang puno ng saya't kaligayahan
Yung dati'y punong-puno ng pagmamahal
Miss na miss na kita ng napakatagal
"Nais kang makita" yan ang aking sambit
Napakahirap kasi ng aking sinapit
Hindi madali ang limutin ang ala-ala
Ala-alang nagpapaalala sayo sinta
Lahat lahat ng meron tayo noon
Mga lakad na maparito ma't doon
Pinapanalangin nalang sa maypoon
Na matapos na ang matinding ambon
![](https://steemitimages.com/640x0/http://img.picturequotes.com/2/4/3467/when-will-i-see-you-again-quote-1.jpg)
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
![](https://steemitimages.com/DQmcQGVXHnXQ3C9Mf77RT2WuWdyQhG1r7c2rRCfvv67SdXS/follow_jassennessaj.gif)
Photocredits : 1 2
Nakakaiyak naman! Na miss ko tuloy yong girlfriend ko na nasa Kabilang sitio. Na touch ako @jassennessaj bakit ba ang galing mo sa tula? Ikaw ang tunay na makata! Isa kang tunay na yaman nang ating bansa!
Buti kapa may girlfriend Hahah
Hahahahaha pinaghirapan eh!
Grabe kana kuya hahahaha isa kanang tunay na makata hahaha
Nakakalungkot ang tula. Pero ang husay nang pagkakagawa! Big fan of yours here👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻
Grabe paps @jassennessaj, galing mu talaga pag dating sa tula. naalala ko tuloy si kuya eden. Di ko nalang ni-relate sa love life ko hahaha