"Ikaw ang Una at Huli" : A Filipino Poetry
"Ikaw ang Una at Huli"
Puso panay tibok, na baliw bigla
Di makausap ng deretso,nauutal sa ganda
Paano sisimulan? Ako'y nahihiya
Pasulyap-sulyap sayo kunwari
At ako'y iyong nahuli
Ating mata nagkatitigan at napangiti
Kinilig at pulang pula ang mga pisngi
Lumakad ako palapit sa iyo
Rosas at tsokolate inabot ko
Lumapit at hinalikan ang noo
Salamat at tayo ay pinagtagpo
Matagal na kitang hinintay
Andito ka na habang buhay
Hindi na bibitawan ang mga kamay
Lahat lahat sayo ibibigay
Sa lahat ikaw ay ibang iba
Ikaw sa puso nagpapasigla
Igunit na ng tadhana
Na ikaw at ako ay magiging isa
Ikaw ang una at huli
Pag-ibig ay singkulay ng bahaghari
Kahit ano man ang mangyari
Pangako aking mahal di iiwan hanggan huli
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Napakagandang tula @jassennessaj upvoted
Amazing and very interessing post thank you for sharing
resteemed and shared in the steemit
Nice kaayo 😊