"Pag-ibig Ko'y Ikaw" : A Filipino Poetry

in poetry •  2 years ago 

"Pag-ibig Ko'y Ikaw"


Humihinto ang panahon
Sa atin ito ay umaayon.
Sa bawat oras na kasama ka
Mundo ko'y tumitigil bigla.

Ligaya'y hindi ko maipaliwanag
Kapag kausap ka'y lumiliwanag.
Kagandahan mo'y hindi natitinag
Mapupungay na mata'y di maaninag


Pangarap ko'y mataas na pananaw
Kasama ka dahil "Pag-ibig Ko'y Ikaw".
Sa katunayan, ikaw ang nangunguna
Sa mga pangarap ko'y una ka sa lista.


Ito'y walang halong biro
Dahil sayo ako'y matino.
Pagbigyan mo lang sinta
At sayo'y aking ipapakita.


Ang mga pangarap na kayganda
Punong-puno ng saya at pag-asa.
Ibibigay ko sa iyo ang lahat sa akin
Lahat gagawin pag ika'y mapasakin.


Dahil "Pag-ibig Ko'y Ikaw"
Puso mo'y iyong ninakaw.
Kaya't dapat ko itong bawiin
Pero iyo ang aking nanakawin.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

My Filipino Poetries :
Takot Akong Mawala KaUnti-unting NahuhulogMga Nakaw na Sandali
Hinahanap-Hanap KitaPinaasa Mo Lang PalaPagtatampo
Patawad ang HilingSalamat PanginoonPag-ibig na Walang Hanggan
NakakabaliwMahal Parin KitaNakakapagtaka
Tinamaan Nga AkoMinamahal KitaPuso'y Ikaw ang Pinili*
Happy Birthday Mama KoIkaw na nga TalagaHahantong Sa Simbahan
Binibining KaygandaBat Biglang Napagod?Tadhana'y Pinagkait
O aking munting PrinsesaIneng, saan napunta ang iyong Dangal?Malaya
SandalanMahal Kita Kahit Magkaibigan lang TayoOh! Kaibigan ko
Oh Thesis KoUna't Huling Iibigin koNasaan ang Hustisya
Nanggigigil Ako Sayo

and Here are my English Poetries

My English Poetries :
Dear FriendIt Should have been MeMy Love
LifeSecret LoveWarriors Affection
Everything was PerfectAlways Be FriendsThis Can't Be True
YouEverytime I look at youWhen I look in your Eyes
Superman Gets TiredHow Real is the WorldLanguage

Maraming Salamat sa Iyong Pagtangkilik!

*Photocredits : 1 2

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

❤️❤️❤️

hoi magnanakaw!!!

hehe

Hahahahahaha. LR ha.

You sound like you're always in love. Anyone special my friend ? ^^

I second @gvincentjosephm's observation, who's your poem's inspiration? :)

Gaya ng sinabi ko sa sulat, "ito'y kathang isip lamang". :P

good

Di ko mutuog kathang isip lang oy. hahahha. inspired jud ni ba

Hahaha. Sa mailad lang 😂

  ·  2 years ago Reveal Comment