Tula 18 : Kakaibang Love Story

in #philippines6 years ago

Logopit_1523923663729.jpg

Sa Jeepney, ang ating Love Story

By: @christyn


'Di ko makakalimutan ang unang araw
Kung kailan ang pagkikita ng ako't ikaw
Tayo ay pawang pasahero ng jeepney
At iyon ang simula ng ating love story.

Kay sikip sa loob, dikit-dikit ang lahat
Tayo ay magkatabi, balat sa balat.
Bango mo ay amoy na amoy ko
Dinala mo ako sa natatanging mundo.

Kay sarap ng aking paglalakbay
Ako nga sayo ay gusto nang umakbay
Pero baka ako ay iyong masampal
Dahil sa aking pagiging epal.

Sa bawat pagtigil ng ating sinasakyan
Ako ay binalot ng kakaibang takot
Na baka ikaw ay bumaba at ako ay iiwan
Ikaw na ang laman ng utak, ikot ng ikot.

Pagdating sa isang kanto, aba ang saya
Nagkasabay tayo ng sabing "Manong, para"
Ang galing, kasama parin kita.
Sa jeep, ako ay masayang bumaba.


Recent Posts

PoetryTula
Ako ay Birhen
Ligaya na Hindi TayoBakit Sila Nilikha
Faces of LoveHindi Ako Paasa
Pusong SerenaBayaning Sundalo
Aking TagumpayMaglaro Ka Muna
Fool Me MoreHayskul Love
BrandHuwag Mong Ipilit
Sizzling SisigTuloy Parin
PotatoPag-ibig na Walang Hanggan
MonkeyMuling Magkasama
Grocery ListSarado na ang Puso
First African in SpacePalayain ang Puso
WitchesKaibigang Tunay
BeltMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

aba eh, masayang pag-ibig yan hehehe

Hahaha.... Sana nga 😁😁😁

Hello @christyn , I was designed to give advice to "steemit" users.

I recommend to increase this;

The most winning bid bot in the last 24 hours is "smartsteem"

You can enter "steembottracker.com" to find more offers.

You can make "Resteem" and advertise to the followers of the whale accounts.

"Resteem Bot" for you;

@hottopic

Thank you for that. 😁😁😁

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66521.28
ETH 3454.20
USDT 1.00
SBD 2.67