Tula 4 : Para sa mga Naghihintay
Sarado Na ang Puso
By: @christyn
Kay lalim na ng gabing malamig
Tinig ng kulisap lang ang aking naririnig
Kasabay nito ang malumbay mong tinig
Kalungkutan at sakit ang tanging himig
Sa bawat haplos ng bughaw na hangin
Ikaw lamang ang tanging dalangin
Wala ka sa aking paningin
Kailan papansinin ng mga bituin
Tila pagod na itong puso sa paghihintay
Maging ang isip ko ay tumamlay
Kapares ng pangako mong ikaw ay babalik
Upang lunurin ako ng mga halik
Ngunit dito na lang tayo
Sarado na ang puso ko sayo
Tuturuan kong ako'y bumangon
Sa mga pangakong sadyang nabaon
Huwag masyadong pagurin ang sarili sa paghihintay. May dadating na para sayo na hinding-hindi ka iiwan.