Tula 17 : Para sa mga Birhen
Ako'y Birhen...
By: @christyn
Dahil ba sa aking pagka-birhen,
Kaya ako'y batuhin ng tukso?
Kasi daw pangit mukha ko
Kaya wala pang umaangkin.
Sapat na ba itong dahilan
Na ako ay inyong kutya-in?
Mahal ko ang aking sarili,
Kaya ako sa prinsepe'y mapili.
Hindi ko ako Bataan na isusuko na lang.
Ako'y dalagang Pilipino, na dapat ipaglaban!
Itong aking puri at dangal,
Hinding hindi para sa mga hangal.
Lilipad ako ng napakataas.
At kailan man di ko iisiping malas
Na ako'y birhen, di man katulad ng iba.
Sa panahon ngayon, iba na ang tama!
Ako tunay na dalagang Pilipina
Sa puso, sa isip, at sa gawa.
Hindi madaling makuha.
Ako'y birhen, ito'y alas ng aking baraha.
Tama sa panahon ngayon iba na talaga ang tama.
kaya dapat madindigan ka sa totoong tama.
Ika nga...
What is good may not be right.
What is right may not be good.