Tula 8 : Para sa mga Martir sa Pag-ibig, ang Tunay na Nagmamahal!
Huwag Mong Ipilit
By: @christyn
Huwag mong ipilit na hindi ka isipin
Dahil sa pag-ibig mo ako ay alipin
Hanggang ang pag-ibig ay mapansin
Hanggang sa ikaw ay maging akin.
Huwag mong ipilit na hindi ka sundan
Araw-araw ikaw lang ang ibig mamasdan
Ewan ko ba ano ang nakita ng mga mata
Ikaw lang talaga ang gustong makita.
Huwag mong ipilit na hindi ka kausapin
Ikaw lang ang laman ng aking dalangin
Dalangin na ako rin ay iyong dinggin
O hindi kaya'y iyo ring ibigin.
Huwag mong ipilit na hindi ka mahalin
Ikaw lang ang tibok nitong damdamin
Kahit ang pag-ibig ay di kayang suklian
Hayaan ako'y lumigaya kahit nasasaktan.
Ang gandang tula.
Maraming salamat.ako ay lubos na nagpapasalamat