Tula 6: Pag-ibig na Walang Hanggan
Pag-ibig na Walang Hanggan
By: @christyn
Sinalubong ako ang iyong matamis na ngiti
Tila ba ako'y lumipad sa galak na nabatid
Nang hawakan mo ang aking kamay
Ligaya at saya sa aking puso ang iyong alay
Kay tagal kong hinintay ang panahong ito
Na ang ating dalawang puso ay magtagpo
Mayakap at mahagkan ang isa't isa
Mabawasan ang ating pangungulila
Muli, tayo ay nagkwentuhan at nag-usap
Tayong dal'wa sa ilalim ng bituing kumikislap
Para ba noong una tayong nagkita
Na basang basa sa ulan, hindi tumila
Ayaw ko mang matapos ang araw na ito
Sapagkat ito'y katumbas ng saya sa puso
Hindi ko mabatid kung kailan ito mauulit
Na masdan ang mata mong marikit
Isa akong hamak na mandirigma
Sa oras at panahong di nawawala
Laging pagitan sa ating pagmamahalan
Pag-ibig na walang hanggan
Recent Posts
Freewrites | Tula/Poetry |
---|---|
Potato | |
Monkey | Muling Magkasama |
Grocery List | Sarado na ang Puso |
First African in Space | Palayain ang Puso |
Witches | Kaibigang Tunay |
Belt | Masayang Pagluha |