Tula 1: Para sa Lahat ng Nanay!

in #teardrops6 years ago

6a9363825dc0a306e82c444f7bbe5b76.jpg
Image Source

Masayang Pagluha

Paglipas ng siyam na buwan
Ikaw ay akin ng iisinilang
Kay sakit, kay hapdi
Sadyang ako ay napapatili

Kay laki ng mga butil ng pawis
Ngunit saya ko ay walang mintis
Kay lakas ng pintig ng dibdib
Ngunit lahat ng ito'y aking ibig

Ayan na, ikaw ay lalabas na!
Kasabay ay pagpatak ng aking mga luha
Luhang di ko pagsisisihan
Luhang aking inaasam-asam

Kay saya ko ng marinig ko ang iyong tinig
Wari koy ako ay nasa langit
Sa kasihayan koy wala ng hihigit
Ikaw anak, aking pag-ibig!

Bumuhos ang lahat ng aking mga luha
Nang ikaw ay buhat ng iyong ama
Amang sabik na sabik narin
Sa araw ng iyong pagdating

Hindi narin natago ng iyong ama
Ang kanyang tunay na nadarama
Kaya dumaloy narin ang kanyang mga luha
Dahil sa tuwa at nasiyahang iyong dala

Ang malalakas mong iyak
Sa aming pandinig ay musikang tiyak
Pero, anak, tumahan kana.
Ako na ang bahala sa masayang pagluha.


Sana ay inyong naibigan itong tulang inyong nabasa. Hanggang sa sunod nating paglathala sa masasayang pangyayari ng buhay ng tao.


Logopit_1520179937546.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64582.42
ETH 3502.70
USDT 1.00
SBD 2.46