Tula 12 : Para sa may Pusong Serena
Pusong Serena
By: @christyn
Simula pagkabata, ikaw ay kinukutya
Dahil iba ka sa lahat, hindi ka malaya.
Pait at sakit ay parating alaala
Sa mga mapanghusgang mata at dila
Ang boses mo man ay hindi na baho
Ngunit sa iyong salita, makikinig ako
Boses mo na mayroong paninindigan
Ito ay tunay nating kailangan.
Gusto mong kulayan ang mukha
Pagandahin ito ng husto
Katulad ng iyong angking ganda
Ito ang iyong ginagawa sa bansa.
Hilig mo man ang mataas na buhok
Sa mga pagandaan ikaw ay kalahok
Tumayo para sa ipakita ang iyong galing!
Sa talino kami ay nahuhumaling.
Bagama't itong magagandang alay
Ay iyong pinapakita sa madla
Marami paring ang humuhusga
Kaya minsan may daloy ng mga luha
Ang boses ng puso aybisigaw
Patunayan na may natatanging ikaw
Ikaw ay may pusong serena
Dalhin kami sa alon, aming reyna
Sapagkat ikaw ay tunay at totoo
Ipakita mo ang husay, taas ang noo!
Ikaw ay may dalang pangako
Serena ka man, may silbi sa mundo!
@originalworks