Tula 7: Tuloy Parin
Tuloy Parin
By: @christyn
Parang nabalot na ng kabiguan ang puso
Wala na ang dating siglang pangako
Hindi na namamasdan ang bughaw na ulap
Tanging lungkot ang nangingi-usap
Hindi na masigla ang buhay
Nasaan na ang tingkad ng kulay
Parang pagtigil ng liwanag at ilaw
Pagsisisi lang ang dahilan ng paggalaw
Ngunit anong hiwaga ng iyong ngiti
Na para bang binigyan ng buhay muli
Buhay na aking minimithi
At pangarap sa bawat sandali
Tuloy parin sa aking pangarap
Nariyan muli ang bughaw na ulap
Tuloy parin sa aking buhay
Dahil sa iyong pagbigay kulay
Huwag ka ng lubos na mag-alala
Hindi na ako muling mawawala
Pangako ko na hahanapin ko ang sarili
Sa sandaling ako ay magkamali
Titiyakin kong akoy babangon
Sa kabiguang dulot man ng kahapon
Hanggang sa matupad ang dalangin
Dahil ang buhay ay tuloy parin