Tula 10 : Para sa mga Binatang Nanliligaw

in #philippines6 years ago (edited)

Logopit_1522580996048.jpg

Maglaro Ka Muna

By : @christyn


Ilang taon ka na ba?
Aba, galing mo ng mambola!
'Di ako katulad ng iba.
Na kay lambot ng baba.

Hoy, totoy ka palang!
'Wag kang padalos-dalos
Baka ikaw dyan ay gumapang
Sa suntok at sipa ko pagkatapos

Huwag mo akong lokohin
Na hanggang sa wakas ako'y mamahalin
Lumang galawan na iyan
Napagsawaan na ng karamihan

Hoy, maglaro ka nalang muna!
Kasi ang bata-bata mo pa.
Hindi mo ako madadala
Sa iyo, hinding-hindi aasa.

Eto, limang piso
I-internet mo ng ilang minuto
Huwag mo akong i-April fool
Sapakin kita diyan, ulol!

Ohh, bakit parang iiyak ka?
Nasaktan ka ba ng aking dila?
O sadyang totoo ang aking sinambit?
Na ikaw ay isa pang paslit!

Recent Posts

FreewriteTula
[Soon]Hayskul Love
BrandHuwag Mong Ipilit
Sizzling SisigTuloy Parin
PotatoPag-ibig na Walang Hanggan
MonkeyMuling Magkasama
Grocery ListSarado na ang Puso
First African in SpacePalayain ang Puso
WitchesKaibigang Tunay
BeltMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

Sabi nga ni Tatay aral muna bago Landi 😂😂 ang kwela nung tula pero malaman parin.

Maari ko bang i share ang inyong gawa sa aking FB Page?

Tama ang tatay mo. Makinig ka sa kanya. Hahaha. Salamat at itoy iyong nagustuhan. Ikaw bahala. Sana marami ang matuto sa tulang ito. :) 😀😀😀😀😊

Yung ikaw ang bahala sige i she share ko sya :)

Nga pla napili ko po ang likhang ito sa aking arawang curation congrats po!

At dahil dyan ako po ay lubos na nagpapasalamat.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60777.49
ETH 2913.91
USDT 1.00
SBD 3.59