Tula 5: Muling Magsasama
Muling Magsasama
By: @christyn
Mapapawi na ang lungkot na nadarama
Kasi ikaw ay magbabalik na aking sinta
Ligaya at galak sa puso ay maaring maipinta
Dahil ikaw at ako'y muling magsasama
Sa matagal na panahong ikaw ay lumisan
Kahit minsan hindi nawala sa aking isipan
Ngunit sadyang tadhana ang may kasalanan
Sapagkat ito ay sa atin pumagitan
Ngunit ito rin ang maghahatid sa atin
Pagarap nating dalawa maabot na natin
Bituin sa langit ay mag-iilaw sa ating daan
Sa pag-ibig sa dulo ng walang hanggan
Dama ko ang tuwa at purong saya
Kay tagal kong hinintay na maging malaya
Malayang ikaw ay makita at mahagkan
Ibalot dahil sa pangungulila ng puso't isipan
Kumakanta ang anghel sa kalangitan
Dinig ko ang kampana sa kagalakan
Maging ang musika ng mga ibon
At ang mahihinang sayaw ng tubig sa talon
Kasabay ng lahat ng ito ay iyong pagluha
Luha ng kasiyahan ang sabi ng iyong mata
Lumapit ka para sa minimithi kong yakap
At malunod sa tuwa sa mga ulap