Tula 15 : Dugtong ko sa Tulang "Walang Tayo"

in #philippines6 years ago (edited)

Logopit_1523586999901.jpg

Ligaya na Hindi Tayo

By: @christyn


Oo, tama ka walang tayo.
'Di ko maibibigay ang puso ko.
Pero hindi ka naman bulag seguro
Upang di makita na wala akong gusto.

Patawad pero kailangan kitang saktan
Upang ikaw ay matauhan
Gumising ka na sa kahibangan
Bukas, makalawa, wala ka paring aabangan

Itigil mo na ang pagpapadala ng rosas
Walang magagawa ang iyong mga palabas
Ayaw ko, pero awang-awa na ako sayo
Kung ayaw mo, ako na ang magpapakalayo

Sana ang milya-milya nating pagitan
Ay maging mabuting dahilan
Upang ikaw ay bumangon
Sa pantasyang ikaw ay nakabaon.

Patawad aking mabuting kaibigan
Di ko kaya na pag-ibig mo ay suklian
Pero dalangin ko sa Maykapal
Na sa laon sayo ay may magmahal.

Magmamahal sa yo bawat umaga
At katumbas nitoy, ligaya at saya
Saya na lumisan ako't iniwan kita.
Ligaya na di tayo para sa isa't-isa.


Ito nga pala ang aking pyesa para sa pagsubok ni @tagalogtrail na pinamagatang #BiglaangKolaborasyon kung saan dudugtungan ang magandang tula ni @llivrazav na pinamagatang: Walang Tayo

Sana po inyo itong magustuhan. Masaya po ang patimpalak na ito. Kaya, kayo po ay sumali rin.


Recent Posts

PoetryTula
Faces of LoveHindi Ako Paasa
Pusong SerenaBayaning Sundalo
Aking TagumpayMaglaro Ka Muna
Fool Me MoreHayskul Love
BrandHuwag Mong Ipilit
Sizzling SisigTuloy Parin
PotatoPag-ibig na Walang Hanggan
MonkeyMuling Magkasama
Grocery ListSarado na ang Puso
First African in SpacePalayain ang Puso
WitchesKaibigang Tunay
BeltMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

galing nito, yung pananaw nyo po ay parang gusto nyo na kagad tapusin ang ugnayan. Ang sakit basahin haha pero ang galing.

Lahat naman kasi nasasaktan. Pero ang maganda doon ay may natutunan.

Kwento ba ng buhay mo ang ginawa mong tula? 🤔🤔🤔

sang-ayon po ako na lahat ay merong natututunan.

hahaha opo, d ako nakakagawa ng tula ng walang inspirasyong pinanghuhugutan. Kadalasan po ng gawa ko ay base sa mga nararamdaman ko hehehe

Kaya pala ang lalim ng hugot ang ang gandang basahin. Ipagpatuloy nyo po ang iyong ginagawa.

Ang ganda at grabe ang bilis mag-isip ni @christyn ng sagot. Hahaha madami pang biglaang kolaborasyon. Sali ka din sa iba habang di pa tapos ang palugit.

Mas maraming nasalihan mas maganda. Nga pala yung mga piyesa mo ni se share ko sa FB page.

Salamat salamat... Sa walang sawang pagsuporta

Hehe sympre naman para sa likhang Filipino!

Mabuhay ka kaibigan!

Hello @christyn! Galing ng tula. Everything is in place, the description and the choice of words. Galing!

Btw, saan ka po pwede i contact? Thank you.

Salamat po. Bakit mo po akong gustong kontakin?

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63950.69
ETH 3311.68
USDT 1.00
SBD 3.92