Tula 2: Para sa Lahat na Tunay na Kaibigan!

in #philippines6 years ago

Logopit_1520261139564.jpg

Kaibigang Tunay

by: @christyn


Panay ang agos ng luha sa iyong mata
Nahihirapan ka na ngang huminga
Kami, iyong mga kaibigan umaasa
Na mapawi ang iyong lungkot na nadarama

Lumakas pa ang iyong paghagulgol
Nandito lang kami handa kang ipagtanggol
Huwag mong sarilinin ang pagkasawi
Handa kaming iaalay sayo ang aming sarili

Takot ka na ikaw ay mahusgahan
Kaya ayaw mong ilabas ang tunay na dahilan
Ngunit tunay at tapat kaming kaibigan
Sa hirap man o sa kasiyahan

Buti na lang dininig mo ang aming salita
Ibuhos mo ang tunay na dahilan ng pagluha
Huwag mong ikulong ang iyong sarili
Sa pait at sakit dulot ng pagpili

May bukas para sa iyo, para sa atin
Kailan man, ito'y pagtutuonan ng pansin
Dahil ang buhay ay sadyang ganyan
Ngunit may kaibigan handa kang damayan


Sana inyong naibigan itong aking tula. Ito ang alay ko sa lahat ng magkakaibigan na nagdadamayan sa araw araw na gawa ng Panginoon. Bigyan natin ng oras ang bawat taong mahalaga sa atin. Dahil itoy di nila malilimutan 😁


Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

Ang kaibigan ang isa sa pinaka magandang regalo ng Maykapal
Minsan nga lang kung umasta sila ay hangal
Aking naibigan iyong isinulat
Gawa ka muli para sa aming ikakagalak.

Maraming salamat. May bago akong isinulat kaibigan :)

SIge unahin ko yan pag gising ko at panay internet daw ako sabi ni tatay. Matutulog muna, magandang umaga nga pala.

Sundin mo si tatay. Maging magalang sa magulang at nakatatanda! 😆😆😆😆

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63026.81
ETH 3462.43
USDT 1.00
SBD 2.51