Tula 3: Palaya-in ang Puso ♥
Palaya-in ang Puso
By: @christyn
Kasi sobra tayong nagmamahal
Kaya sobra tayong nasasaktan
Kailan ba tayo titigil sa pagiging tanga?
Hanggat tayo ay hindi na marunong lumuha?
Sana ilabas mo na ang galit
Kasi ikaw din ang magsisisi sa huli.
Huwag hayaang tumigil sa dibdib ang sakit
Titigas ang iyong puso, masasaktan muli.
Kaya bukas na bukas din
Ang puso't isipan ay palaya-in
Karapatdapat kang maging masaya.
Nasa atin ang pagiging malaya.