Tula 16 : Para sa mga Kabataang Biktima ng Karahasan at Digmaan

in #philippines6 years ago (edited)

Logopit_1523663994823.jpg

Bakit Sila Nilikha?

By: @christyn


Ano na nga ba ang ating nagawa?
Sa mga pangakong ating itinala
Na babalutin natin ang mundo ng saya.
At papahiran ang luha sa mga mata.

Kayrami ang naghihirap at nagdurusa
Kahit mga kabataan ay mga biktima
Karahasan ay bakas sa kanilang mga mukha
Ito ba ang dahilan bakit sila nilikha?

Binitawan na ang pangarap na guminhawa
Upang palitan ng sandatang pandigma
Imbis na papel, lapis at crayola ang dala
Dahil sa pagtataas ng watawat na pula.

Sila na nga ang ginawang kasangkapan
Sila pa ang biktima ng digmaan.
Digmaan sa kapangyarihan at kasamaan
Kailangan natin silang tulungan, kailan?

Nasaan na nga ba tayo sa ating misyon?
Ilang buhay pa ang itataya ngayon?
Patuloy pa rin kasi ang pagkuha sa liwanag
Liwanag na kasisimula palang sa pagsinag.


Recent Posts

PoetryTula
Ligaya na Hindi Tayo
Faces of LoveHindi Ako Paasa
Pusong SerenaBayaning Sundalo
Aking TagumpayMaglaro Ka Muna
Fool Me MoreHayskul Love
BrandHuwag Mong Ipilit
Sizzling SisigTuloy Parin
PotatoPag-ibig na Walang Hanggan
MonkeyMuling Magkasama
Grocery ListSarado na ang Puso
First African in SpacePalayain ang Puso
WitchesKaibigang Tunay
BeltMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 69747.29
ETH 3747.51
USDT 1.00
SBD 3.78