Tula 9 : Para sa Hayskul Crush/Love
Hayskul Love
By: @christyn
Magsasara na ang pasukan
Kailan kita muling masisilayan?
Sa Hunyo na ba uli?
Paano kung di na tayo magkatabi?
Hayaan mo akong aking sariwain
Ang nakaraang kay gandang tanawin
Pangatlong taon ko na ito sa hayskul
Ngayon pa ang batang puso pumatol
Kaklase tayo nang nagsimula ang pasukan
Hanggang sa naging katabi na ating upuan
Ang swerte ko kahit maging sa kainan
Tayo'y magkasabay, laging nagkukwentohan
Sa Math, ikaw ang i-aadd ko sa aking buhay
Sa Arts, ikaw ang nagbibigay sigla't kulay
Sa Science, ikaw lamang ang Lab ko!
Sa Sibika, ikaw ang tanging yaman ko.
Hanggang sa mamamaalam ang haring araw
Ikaw parin ang gusto kong matanaw
Ibang klase yata itong aking pinag-aaralan
Ikaw lang palaging gustong namamasdan.
Sana sa susunod na pasukan, tayo parin.
Magkatabi, magkaklase, sabay sa pagkain
Hanggang sa isang araw, sa isang pasulit..
Ang makulit kong puso ay sasagutin mo rin.