Tula 11 : Para sa Nagtapos ng Pag-aaral
Aking Tagumpay
By: @christyn
Sa wakas tatayo at papanhik na ako
Sa ibabaw ng magandang entablado
Kay raming mga makukulay na palamuti
Sadyang ito ang aking pinakamimithi.
Ito ang patunay ng aking tagumpay
Tagumpay ko, ni nanay at tatay.
Dahil sa dugo at pawis na pagsusumikap
Ngayon sa mundo ako ay haharap.
Makukuha ko na ang mahal kong diploma
Ang bayad sa paggising sa bawat umaga
Ito ang aking gagamitin na kasangkapan
Upang maging mabuting mamamayan.
Itong mga medalya ng pagpapakilala
Ay magdadala sa akin sa magandang alaala
Na minsan ako ay nangarap sa buhay
Buhay puno ng pighati at kulay.
/Bukas ay ang aking bagong kabanata
Haharapin ko ng buong lakas at sigla
Dahil madali lang naman ang tagumpay
Subukan mo't malalaman mo na ito'y tunay.*
@originalworks
Mabuhay ang mga nagsipagtapos!
Ngayon bagong pagsubok ang inyong kakaharapin at gaya ng pagpupursigi ninyo sa ibang bagay nawa'y ito ay inyong pagtagumpayan muli.
Yehey! Ako'y lubos na nagagalak sa tuwing ikaw ay bumibisita sa aking mga tula. :)
Mabuhay kayong lahat.
Mabuhay! Salamat, @fherdz!