Tula 14 : Para sa Sinasabihan ng Paasa
Hindi Ako Paasa
By : @christyn
Aakyat ka daw ng ligaw
Eh, para kang maingay na langaw
Hindi ako tatayo, hindi gagalaw
Upang ikaw sa bintana ay madungaw
Ano bang bago sa iyong mukha?
Tamang ligo nga hindi mo makukuha
Ito pa kayang matamis kong oo.
Pre, pasensya na, ako'y totoo.
Kasi naman, ligo din pag may taym
Ako ko lang ang mukhang mangkukulam
Maligo ka nga ng tubig na maligamgam
Kahihiyan sana ikaw ay manghiram.
Napakasama ko nga raw
Mapili daw ako, paasa pa daw
Bakit? Sinabi ko bang ikaw ay mangligaw?
Kailan? Anong araw?
Hindi po ako paasa, di mata-pobre
Ayaw ko lang maglakad sa alambre
Na ang lahat ay tumitingin
Na para bang mahuhulog sa bangin.
Hindi ako paasa, hindi lang kita mahal
Kaso ikaw dyan ang hangal
Sinabi ko nang ayaw ko sayo
Hindi ka parin lumalayo.
Ouch.. Ansakit sakit naman niyan para dun sa manliligaw. Pero, tama din naman.. :) Pag sinabihan nang ayaw, wag na kasi dapat mag pumilit. Pero diba may iba naman na nagpapakipot lang. May iba din na kapag nakita nila na gumagawa ng effort yung lalaki, nahuhulog nalang bigla isang araw. :)
Iba iba talaga ang gawa ng pag-ibig... Hahaha. 😂😂😂 Pawang imahinasyon at kathang isip lang ang tulang ito... Sana masaya tayo lahat at pag ibig ang maghari sa mundo.
Ohh, HAHA :D Akala ko totoo talagang nangyari sayi to. HAHA :D :D :D Ang galing ahh.. :) Tsaka oo, mas amaganda ang buhay pag pag ibig ang naghari. :) Masaya lang :) :)
Sana makita pa kita sa susunod kong mga tula. Masaya kang kausap. 😁😁😁
Haha Real Talk ito.
Real Talk talaga. Hahaha😂😂😂
hahaha saklap naman.... yan kasi Tamang ligo nga hindi mo makukuha.... oo pa kaya. tawa much. galing @christyn
Mahal kasi ang tubig lalo na pagsummer. Hahaha. Natutuwa ako at ikaw ay nasiyahan sa kwelang tulang ito. 😀😀😀