Kwento 1 : Magandang Kamay

in #philippines6 years ago (edited)

Logopit_1523729250695.jpg

Magandang Kamay

By: @christyn


"Maari ko bang hawakan ang iyong mga kamay?", ang malambing na tanong ni Mario sa kanyang kasintahan.

"Syempre, naman". Dali-daling ibinigay ni Rosa ang kanyang mga kamay kay Mario upang mahawakan ito.

"Kaysarap haplusin ang iyong mga kamay, Rosa. Napakalambot nito, katulad ng mamon. Kay ninipis ng iyong mga magagandang daliri", sambit ni Mario kay Rosa habang ito ay nakatingin sa mapupungay nitong mga mata.

"Inaalagaan ko kasi ng maigi ang aking katawan,Mario. Upang, itoy maibigan at magustuhan mo", ang malambing na tugon ni Rosa sa minamahal.

"Maari ko bang hagkan ang iyong mga kamay?", ang buong pusong tanong ni Mario.

Dahan-dahang dinala ni Mario sa kanyang mga labi ang mga magagandang kamay ni Rosa. Pagkatapos niyon ay hinawan ito at sila ay nagsimulang maglakad pauwi sa bahay nila ni Rosa. Inihatid ng binata ang kasintahan nito sa kanila.

Pagpasok nina Rosa at Mario sa bahay, napansin kaagan ni Mario ang ina ni Rosa na gumagawa ng paso.

"Rosa, pupuntahan ko muna ang iyong ina. Magmamano muna ako."

"Huwag na, Mario. Madudumihan ka lang sa gagawin mo. Hayaan mo na si Mama dyan."

Nagtaka si Mario sa asal na ipinakita ni Rosa sa kanyang ina. Hindi niya maisip bakit ito ang kanyang pakikitungo sa sariling ina.

Kaya pumasok nalang silang dalawa sa loob ng bahay. Nanood sila ng mga pelikula dahil nakabili sila ng mga bagong cd.

Pumasok ang ina ni Rosa upang pagsilbihan ang magkasintahan ng binili nitong burger at softdrinks. Halata na ito ay pagod na pagod sa ginawang trabaho dahil hapong-hapo ito habang inilapag ang kanyang hinanda.

"Bakit, ikaw pa ang naghatid nito? Ang dumi ng kamay mo, parang hindi ka pa naghugas ng kamay!"galit na sabi ni Rosa sa kanyang ina.

Pagkasambit nito, biglang na bitawan ng ina ni Rosa at natapon ang softdrink sa damit ni Mario. Dali-daling pinahiran ng ina ni Rosa ang damit. "Patawarin mo ako, iho! Hindi ko sinadya."

Inabot ni Mario ang kamay ng ina ng kanyang kasintahan. At nabigla ito sa kanyang nahawakan at nakita.

"Okay, lang po. Ang kamay ninyo po ay nanginginig na at kayrami pang sugat. Kayo po ba, ay okay lang?" ang pag-aalalang tanong ni Mario.

"Kaya po pala napaganda ng mga kamay ni Rosa dahil po sa inyong mga kamay na siyang gumagawa at nagsisikap ng husto. Nagkasugat-sugat ito dahil sa inyong pagtratrabaho at pagbabanat-buto upang mayroon kayong maihain sa lamesa at may mapakain kayo sa inyong anak.", pagpapatuloy ni Mario.

"Rosa, hawakan mo ang napakagandang kamay ng iyong ina at damdamin mo ang kanyang pagmamahal sa iyo."

Tumulo na lamang ang luha ni Rosa...


Recent Posts

PoetryTula
Ligaya na Hindi TayoBakit Sila Nilikha
Faces of LoveHindi Ako Paasa
Pusong SerenaBayaning Sundalo
Aking TagumpayMaglaro Ka Muna
Fool Me MoreHayskul Love
BrandHuwag Mong Ipilit
Sizzling SisigTuloy Parin
PotatoPag-ibig na Walang Hanggan
MonkeyMuling Magkasama
Grocery ListSarado na ang Puso
First African in SpacePalayain ang Puso
WitchesKaibigang Tunay
BeltMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

Ayyyy.... heartwarming ang kwento. Napangiti mo ako dito @christyn. Di ka lang sa tula magaling pati narin sa kwento.

Nga pala di naman ganun kalaki pero may napansin akong word na na mispelled:

hinawan - hinawakan ata dapat ito.

Maraming salamat sa iyong corrections... Hindi ko yan napansin ahh..

Marami ring salamat dahil nagustuhan mo ang unang kwento ko dito sa Steemit. Sana makapagsusulat pa ng marami.

Sa bilis mong magsulat nako madali lang iyan para sa iyo! Ikaw pa ba? Hahaha ako nga madaming na dadaldal ikaw din kaya mo yan.

Hahaha ang lupet ng mga comment mo. At gustong gusto ko 😆😆😆

Hehe sympre naman dapat laging pang matindihan ang ating mga komento sa mga awtor. Yung mapapa ngiti sila pag nabasa nila ang mga komento ko para mas ganahan pa sila lalo.

Kaya ang lupit mo po. Pagpatuloy mo yan.

Maraming ina na nag sasakripisyo para sa anak na minsan di nakikta ng mga anak.
salamat sa pagbabahagi ng iyong kwento @christyn, sa kwento mong tagus sa puso.

Akoy lubos na nasiyahan at ito ay iyong nagustuhan. Naway marami ang makabasa nito...

oo nga eh. sana maraming pang mga pinoy na gagawa sa sariling wika.

Tama ka dyan. 😁😁😁

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64841.11
ETH 3523.97
USDT 1.00
SBD 2.36