"Patawad, Nagkamali Ako" : A Filipino Poetry
"Patawad, Nagkamali Ako"
Parusa ay aking inaangkin.
Patawad at ako'y nagkamali
Totoo at di ako nag-aatubili.
Naging bata ang aking iniisip
Deretso, hindi matino ang pag-iisip.
Patawad sa lahat ng kamalian
Parusa'y tanggap dahil may dahilan.
Ako'y nagpapakatotoo sa sarili
Inaamin ko ang pagkakamali.
Ako sana ay mapatawad mo
Puso at isip ko ay sumasamo.
Matayog ang naging pangarap
Ngunit di nakita ang hinaharap.
Masaya ako sa'king desisyon
Ngunit malungkot dahil sa reaksyon.
Buo ang intensyon at pag - asa
Na lumawak pa tulad ng masa.
Nagkakabuklod at nagtutulungan
Ganyan ang Pilipino, nagbabayanihan.
Isa lang sana ang hiling ko
Tulad ko sana'y patawarin mo.
Di sinasadya't puro ang intensiyon ko
Ulit, "patawad, nagkamali ako".
Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)
Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.
good post @bijoy123
ohh
Ang galing!
I liked it! Ang husay, at ang dami mo ng nagawa! Amazing! :)
This is so powerful. The word I'm sorry can can be a turn around for everything.