Tula 24: Para sa Lahat ng mga Nanay!

in #philippines6 years ago

Logopit_1524402687972.jpg

Aking Ina

By: @christyn


Noong ako'y iyong isilang sa mundo
Ang buhay mo ay nasa peligro
Ilang beses ka ngang umiri
Buhay ko ay iyong pinili.

Noong ako ay nakakalakad na
Gabay mo ay sumubra pa
Sa akin parati kang nag-aalala
Dahil sabi mo, di ko pa kaya.

Ngunit sadyang matigas ang aking ulo
Walang tigil sa pagtakbo-takbo
Hanggang sa ako'y umiyak na lamang
Dahil sa sugat na hindi na mabilang

Ngayong ako ay binata na
Aruga mo ay hinahanap pa
Dahil ikaw lang aking ina
Hinahanap hanap sa tuwina

Nanay, ikaw ang aking gabay
Sa araw araw ng aking buhay
Maraming salamat sa iyo
'Wag ka sanang lalayo.


Recent Filipino-Poetry

Aking Mga TulaGaling sa Puso
Among MagbalantayPista sa Nayon
PagbubuntisAko'y Naiiba
Aakyat ng LigawAko ay Birhen
Ligaya na Hindi TayoBakit Sila Nilikha
Hindi Ako PaasaPusong Serena
Bayaning SundaloAking Tagumpay
Maglaro Ka MunaHayskul Love
Huwag Mong IpilitTuloy Parin
Pag-ibig na Walang HangganMuling Magkasama
Sarado na ang PusoPalayain ang Puso
Kaibigang TunayMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.033
BTC 63989.15
ETH 2749.61
USDT 1.00
SBD 2.66