Tula 19 : Para sa Kaibigang Aakyat ng Ligaw

in #philippines7 years ago

Logopit_1523973857733.jpg

Aakyat ng Ligaw

By: @christyn


Aba ang bango ng aking kaibigan
Mayroon daw kasi siyang naibigan
At ngayon ay aakyat ng ligaw,
Kasi puso daw nya ay sumisigaw

Sige na, sige na, Sasamahan kita
Ako na ang mag-gigitara
At ikaw iyong kakanta
Tara na, kasi gumagabi na!

Aba, ang ayos ng iyong porma
Naka-gel ang buhok, naka-barong pa
Sino ba naman ang di malulunod sayo?
Kapag haharanan mong ganyan ang tayo?

Malapit na tayo kina Maria
Maghanda ka na at tayo'y babanat na
Kaya gandahan mo ang iyong kanta
Baka tayo ay batuhin ng nanay nya

Pagbilang ko ng tatlo, magsalita ka na
Ng matatamis mong salita para sa kanya
Alam kong kaya mo to, ito ata ang sekreto
Nang lolo mong nakabihag ng tatlo

Ohh, Maria aking Sinta!
Sana sa bintana'y dumungaw ka
Pakinggan mo itong awitin ko
Na alay ko para lamang sa iyo


Recent Post

Mga TulaNa may Puso
Ako ay BirhenJeepney Love Story
Ligaya na Hindi TayoBakit Sila Nilikha
Hindi Ako PaasaPusong Serena
Bayaning SundaloAking Tagumpay
Maglaro Ka MunaHayskul Love
Huwag Mong IpilitTuloy Parin
Pag-ibig na Walang HangganMuling Magkasama
Sarado na ang PusoPalayain ang Puso
Kaibigang TunayMasayang Pagluha

Logopit_1520179937546.jpg

Sort:  

Ganda ahh :) :) Consistent talaga yung rhyme :) :)

Salamat. @creyestxsa... Maliit na bagay. Hheheh 😁😁😁😁

astiggg pride of PINOY

Talagang talaga. Salamat sa iyong pagbisita! 😍😍😍

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 95276.42
ETH 3297.99
USDT 1.00
SBD 3.16