"Tuwing Ika'y Kapiling" || a filipino poetry

in #filipino-poetry3 years ago

source

"Tuwing Ika'y Kapiling"

_Rosas para sa'yo oh aking sinta
Nagsisimbolo ito sa aking nadarama
Habang tayo'y masayang naglalakad
Pagtingin sa'yo ay walang katulad _

Mga mata mo ay parang isang bituin
Tanging kislap at kinang aking tingin
Para rin akong nasa isang paraiso
Na naglalakbay patungo sa iyo


Binigyan mo puso ko ng inspirasyon
Ang ganda mo'y lampas sa imahinasyon
Tanging ikaw lamang ang hiling
Sa habambuhay sana ika'y makapiling


Sa tuwing ikaw ay aking yakap
Buhay na natamo ay kaysarap
Mga sandali man maaaring lumipas
Ngunit ang alaala ay di lilipas


Balang araw ang oras ay babalikan
Sana tayo pa rin ang nagmamahalan
Ito'y isang yaman na aking ibabaon
Dahil pag-ibig ko'y magpasawalang-hanggan


source


Maraming salamat mga kaibigan!
Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula. Muling balikan ang mga nakaarang tula na aking isinulat.


* * * * * Filipino Poetry * * * * *

Alaala Mo

Barkada

Pag-ibig

Awit ng Puso

Lalayo na Ako

Maghihintay pa rin

Nandito Lang Ako


* * * * * English Poetry * * * * *

Forever is Scary

Torment

Happiness

Thy Love

Fallin for You

It's You

If it's For You