Nandito Lang Ako || isang Pilipinong tula

in #filipino-poetry3 years ago

source

"Nandito Lang Ako"

Mga mata mo'y namumugto
Damdamin na pilit itago
Halata ang pagdurusa
Dahil ito aking nakita

Ngayon ika'y naghihinagpis
Sapagkat nasaktan nang labis
Ngunit bakit nga ba
Patay na patay ka sa kanya


Mahal na mahal mo siya
Kahit ang sakit na
Sa pakikinig sa mga sinabi
Ng iyong matabil na labi


Maraming beses na inulit
Mga bagay na masasakit
Na parang di mo makakaya
Makuhang maging masaya


Buksan sana ang puso mo
At papasukin mo naman ako
Nandito lang ako sa tabi
Maging araw man o gabi


Isang tawag mo lang naman
Ika'y handang damayan
Ang kailanman ibibigay sa'yo
Dahil ganyan ang pag-ibig ko



Maraming salamat mga kaibigan!
Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula. Muling balikan ang mga nakaarang tula na aking isinulat.


* * * * * Filipino Poetry * * * * *

Alaala Mo

Barkada

Pag-ibig

Awit ng Puso

Lalayo na Ako

Maghihintay pa rin


* * * * * English Poetry * * * * *

Forever is Scary

Torment

Happiness

Thy Love

Fallin for You

It's You