"Awit ng Puso" || #4 Filipino poetry

in #filipino-poetry3 years ago (edited)



source

"Awit ng Puso"

Ikaw ang awitin na tumutogtog
Dito sa puso kong kumakabog
Nais ko sana iparinig ito sa 'yo
Ngunit sadyang ika'y malayo


Ipinagdarasal ko na balang araw
Pinipintig ng puso'y makakasayaw
Maging sa pagtulog at panaginip
Ikaw pa rin ang iniisip

Hanggang pagtingin ko sa kalangitan
Maamo mong mukha aking nasisilayan
Nais ko ibahagi ang bukas at magpakailanman
Dahil bugso ng damdamin abot sa kalawakan

O giliw, alam mo ba itong awitin?
Ikaw lang talaga akin mithiin
Sana'y wag kang magpakamanhid
Nang sa gayon ito'y mabatid

Mga payo ni inay aking susundin
Para lang ika'y maging akin
Lahat ay tatahakin
Para lang ika'y maging akin

Nawa'y dinggin ng maykapal itong hiling
Na ika'y aking makapiling
Araw-araw na pasasalamat
Sa biyaya na sobra sa sapat



Maraming salamat mga kaibigan!
Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula. Muling balikan ang mga nakaarang tula na aking isinulat.


* * * * * Filipino Poetry * * * * *

Alaala Mo

Barkada

Pag-ibig


* * * * * English Poetry * * * * *

Forever is Scary

Torment

Happiness

Thy Love

Sort:  

ok already I vote. do not forget to vote back