"Maghihintay pa rin || a filipino poetry

in #filipino-poetry3 years ago

source

"Maghihintay pa rin"

Nasa akin na ang lahat noon
Ngunit napalampas ko ang pagkakataon
Nabulag ako sa di maganda kong trato sa'yo
Kaya ngayon napunta sa ibang dako

Nagsisisi at pilit na tinatanggap
Ika'y wala na sa'king tabi na laging hanap
Ang pag-ibig ay nangangailangan ng panahon
Sa paghilom ng mga sugat dulot ng kahapon


Di ko nakita na ika'y unti-unting nawawalay
Mukha tuloy akong walang malay
Di ko rin maisahan ang labis na masaktan
Dahil batid kong ito'y pagdaraanan


Gusto kong makaahon sa dinaramdam kong ito
Gusto ko rin nandito ka na ulit sa tabi ko
Ikaw lang ang gustong makapiling
Sa Diyos ay dinggin sana ang aking hiling


Sana'y mapatawad mo nang buong puso
Kailanman di ka nawala sa isip at puso ko
Ikaw pa rin ang gustong makasama
Habang buhay sa iyo'y di magsasawa



Maraming salamat mga kaibigan!
Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula. Muling balikan ang mga nakaarang tula na aking isinulat.


* * * * * Filipino Poetry * * * * *

Alaala Mo

Barkada

Pag-ibig

Awit ng Puso

Lalayo na Ako


* * * * * English Poetry * * * * *

Forever is Scary

Torment

Happiness

Thy Love

Fallin for You

Sort:  

Sana patawarin mo na ang iyong sarili
May dahilan sa bawat pangyayari
Hindi mo man ito maibabalik pa,
Ngunit may pangalawang pagkakataon pa.

Pagkakataon upang umibig muli
Dahil ito'y para sa lahat, walang pinipili
Kaya't pahiran na ang luha sa mga mata
May bagong bukas na sisikat pa.

Hanggang ang lahat ng sakit ay mawala
Hanggang sa ito'y mapalitan ng tuwa.
Magmahal at umibig kang muli.
Wag matakot sa lahat ng sandali.

~ @christianyocte

Sana nagustohan mo itong tugon kong tula :)

Napakagandang tula kaibigan @christianyocte :)

Akoy natutuwa at ito ay iyong nagustuhan. Maraming salamat.