Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-walong Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

"Tara! It's time to follow the rules of my greatest Love Guru!" wika niya at binigyan ng matamis na ngiti ang kaibigan. "I will follow your advices from now on. I want to move on and forget the painful memories that I had with Jade," aniya habang positibo ang kaniyang isipan sa mga mangyayari.


HINDI pa rin mawala sa isip ni Anchelle ang pinanood na pelikula kasama ang kaibigang si Ariel. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na saya habang tawang-tawa na ikinukuwento sa kasama ang mga eksena sa pelikula na tumatak sa isip niya.

"Grabe! Hindi ako maka-get over sa pinanood natin! Laugh trip talaga!" aniya habang hindi mapigilan ang paghalakhak nang malakas.

"Ginutom nga ako sa kakatawa, e. Ang wagas mo naman kasi tumawa, nahahawa tuloy ako sa 'yo!" komento naman ng kaibigan niya habang tumatawa rin.

"Basta! Thank you talaga, Ariel! Ngayon lang ulit ako nakatawa nang ganito mula nang nag-eemo-emohan ako. Ang saya talaga maging masaya!" Hindi pa rin naaalis ang malapad na ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha.

Dahil sa sayang nararamdaman ay tila hindi na niya namamalayan ang pansamantalang pagkabura ng imahe at alaala ni Jade sa kaniyang isipan. Masyado siyang nalibang sa mga ginawa at paglilibot nila ni Ariel sa loob ng mall kaya naging okupado ang kaniyang utak at nakalimutan ang dating nobyo.

"Dito muna tayo, An An! May bibilhin lang ako saglit," biglang sambit ni Ariel at hinatak siya nito papasok sa isang Ladies Boutique.

Nagulat siya nang bigla siyang inakbayan ni Ariel. Ngunit mas nagulat siya nang makitang may hawak-hawak na panty ang isang kamay nito.

"A-Ariel...." Nagdadalawang-isip siya kung ano ang sasabihin sa binata.

Hindi kasi siya komportableng makita itong may hawak-hawak na panty habang nakaakbay sa kaniya at nakatitig sa kanila ang isang Sales Lady.

Tumikhim muna siya bago naglakas-loob na nagtanong, "P-Para kanino 'yang bibilhin mo?" bulong niya sabay turo sa hawak nitong salawal.

Agad naman itong tumingin sa hawak at bigla iyong binitiwan. Gusto niyang tumawa dahil sa reaksyon ng kaibigan niya na tila dinapuan ng uod ang balat at gulat iyong tinatabig.

"A-akala ko kasi…." Hindi na niya pinatapos ang binata at nagmadali siyang lumabas ng Boutique.

Nang makalabas na siya ay hindi na niya napigilan ang paghagalpak ng tawa. Nababaklaan talaga siya sa kaibigan niya. Pauli-ulit na rumerehistro sa kaniyang utak ang reaksyon nito nang makita ang hawak nitong panty.

"An An...." Tumakbo ito papunta sa harap niya at tila hinaharangan siya.

Ngunit huli na ang ginawang iyon ng kaniyang kaibigan dahil nahagip na ng kaniyang paningin ang papalapit na si Jade.

Nabato siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakatitig kay Jade na papalapit sa gawi nila at masayang nakikipag-usap sa isang babaeng hindi niya kilala.

Gusto niyang tumalikod para hindi siya makita nito. Pero bago pa man siya makabalik sa ulirat at iwasan ang lalaki ay namataan na siya nito.

Halatang nagulat ito nang makita siya. Ngunit agad din itong nakabawi sa pagkagulat at taas-noo itong dumaan sa kaniyang harapan habang patuloy sa pakikipag-usap sa kasamang babae. Ni hindi man lang siya nito pinansin na tila hindi sila magkakilala.

Nasaktan siya sa ginawa ni Jade. Ang kaninang saya na kaniyang naramdaman ay tila naglaho sa isang iglap at napalitan iyon ng hinanakit at galit.

Napakuyom na lang siya sa kaniyang kamao habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki. Awtomatiko namang kumilos ang kaniyang mga paa para sundan ang mga ito nang bigla siyang hinatak ni Ariel.

"Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong nito.

Lumingon siya saglit sa kaibigan at binigyan ito ng blangkong ekspresyon ng mukha bago niya muling sinundan ng tingin si Jade. Nakita niya itong papasok sa isang fast food chain habang hawak-hawak ang kamay ng kasama nitong babae.

Muli siyang lumingon sa kaibigan at binigyan ito ng ngiti. "Nagugutom ako," usal niya at naglakad papunta sa fast food chain na pinasukan nina Jade.

Napakamot na lang sa ulo si Ariel dahil alam nitong hindi gutom ang dahilan kung bakit sila papasok sa fast food chain na iyon.

Kakapasok lang nila sa loob ng food chain nang muling lumabas si Anchelle. Nagtataka namang sumunod si Ariel sa kaniya hanggang sa makalayo na sila sa lugar na iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas na sila ng mall at nakarating sila sa mini park doon. Walang imik namang nakasunod sa kaniya ang kaibigan. Tila hinihintay nito na siya ang unang magsalita sa kanila at sabihin ang nararamdaman niya.

Nang makakita siya ng bakanteng upuan ay agad niyang nilapitan iyon at umupo.

Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita, "Tell me what to do," aniya habang nakatitig sa kaibigan niya.

Bigla namang puminta sa mukha ni Ariel ang gulat dahil sa tinuran niya. Hindi ito makapaniwalang totohanin niya ang sinabing makikinig na siya rito.

Ilang segundo ang lumipas nang mabawi nito ang pagkagulat. Agad naman itong umupo sa tabi niya at tinapik siya sa likod.

"Rule number two, always remember the dos of moving on." Tumikhim muna ito at ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Rule number two point one, accept that your relationship with Jade has come to an end." Nakatitig nitong turan sa kaniya.

Nakipagtitigan din siya sa binata habang pinipilit na ipasok sa kaniyang utak ang sinabi nito.

Matagal na niyang gustong pakawalan si Jade. Matagal na niyang gustong tanggaping wala na sila at wala na siyang magagawa para magkabalikan sila. At matagal na rin niyang gustong kalimutan ang masasakit na alaalang dinulot ng labis na pagmamahal niya sa binata. Gayunpaman, naging bilanggo siya ng labis na pagmamahal na iyon na nakaya niyang saktan ang kaniyang sarili. Naging bilanggo siya ng nag-uumapaw na katangahan na kahit alam niyang mali ang ipagpilitan ang kaniyang sarili ay pilit pa rin niya iyong ginagawang tama.

Pagod na siya. Pagod na pagod na siya sa paulit-ulit na pagkawasak ng kaniyang puso.

Hindi niya napigilan ang pagbitiw ng luha sa kaniyang mga mata.

"Ayoko na, Ariel! Tulungan mo 'ko! Ayoko ko nang masaktan at umiyak. Pagod na pagod na ako!" Isinubsob niya ang luhaang mukha sa dibdib ng kaibigan.

Awang-awa na si Ariel sa kaniya. Nararamdaman din nito ang sakit na nararamdaman niya. Kung puwede lang na bugbugin nito ang tarantadong lalaking nanakit sa kaniya ay matagal na nitong ginawa. Ngunit alam nitong hindi iyon makatutulong. Na hindi dapat magpadalos-dalos at agad na magpadala sa emosyon. Na walang mabuting kahahantungan ang pag-iisip niyang bugbugin si Jade.

"Sshh…." ang tanging lumabas sa bibig ng kaibigan.

Walang ibang magagawa si Ariel ngayon kung hindi ang yakapin siya at iparamdam sa kaniyang hinding-hindi siya nag-iisa.

"Rule number two point two, take your time to process the pain. Feel the pain until it hurts no more, An An. Ibuhos mo lahat ng nararamdaman mong sakit ngayon hanggang sa magsawa ka. You're having heartache and you're still in the process of moving on kaya walang masama kong masyado ka mang emosyonal, dahil masyado ka lang ring nasaktan," anito na lalong nagpaiyak sa kaniya.

Kumawala siya sa pagyakap sa kaibigan at hinarap ito.

"Ariel…." bulong niya sa gitna ng kaniyang paghikbi.

"Hmmm?" tugon nito habang nakataas ang dalawang kilay.

"How to be you po?" Biglang siyang nagpakawala nang malulutong na halakhak matapos niyang tanungin iyon.

Kumunot naman ang noo ng kaharap habang pinagmamasdan siyang parang baliw na tumatawa.

"You know what, Ariel? You're so weird!" Patuloy pa rin siya sa pagtawa habang pinapahiran ang luhaang mata gamit ang kaniyang kamay at nakakunot pa rin ang noo ni Ariel dahil sa pinagsasabi niya. "Where did you get that rules or tips? Did you get it from google? From a book? Blog? Kasi I can't believe na makakapag-isip ka ng ganyang tips since hindi ka pa naman nakaka-experience na maging brokenhearted."

Biglang namula ang pisngi ni Ariel sa tinuran niya. Hindi ito makaimik kaya muli siyang natawa.

"But I don't care kung saan mo man napulot 'yang rules mong 'yan. Ang importante, natutulungan mo akong maka-move on. You gave me ideas kung ano ang dos and don'ts of moving on. Honestly, I really appreciated lahat ng mga sinabi mo, Ariel. And rule two point one and two point two is the right thing to do," aniya at binigyan nang sinserong ngiti si Ariel.

Napakamot naman sa ulo ang binata na tila nahihiya.

"To answer your question kung saan ko napulot ang mga rules na 'yan, it's all of the above," nakangising wika ng kaibigan. "I get it from google, books, and blogs. Pero mayroon din naman akong personal tips doon sa mga pinagdadaldal ko sa 'yo. And one of these days, kapag totally naka-move on ka na at successful ang pagiging Love Guru ko sa 'yo, you'll find out everything. Well, aside from helping you, you'll know the reason why I'm so motivated in doing this." Kitang-kita sa mga mata ng binata ang pagkasabik na sabihin sa kaniya ang rasong tinutukoy nito.

Kumunot naman ang noo ni Anchelle sa sinabi nito.

"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon? May pa-thrill ka pang nalalaman d'yan, e."

Biglang tumayo si Ariel at hinila rin siya nito patayo. "Huwag kang excited, An An! May tamang panahon sa lahat ng bagay," anito na nakangiti. "Uwi na tayo! Sa inyo na lang tayo kumain." Umakbay pa ito sa kaniya habang pinipisil ang matambok niyang pisngi.

Napabuntong-hininga na lang siya at sumunod sa kaibigan.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Waaaa! Ito na ba ang simula ng #anyel??? Sana ito na nga! Hahahah

Tingnan natin kung ito na nga ba talaga. Hehehhee.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69508.29
ETH 3366.22
USDT 1.00
SBD 2.74