Posting Schedule ng Aking Dalawa Nobela

in #nobela7 years ago (edited)

FB_IMG_1487474116334.jpg

Ang pagsusulat ng mga kuwento ay isa sa mga naging libangan ko. Sa pamamagitan ng pagsusulat, pansamantala kong nakakalimutan ang mga problema ko sa buhay dahil na rin sa paglalakbay ng aking imahinasyon sa mundo ng isinulat kong kuwento. Nagiging matalas din ang aking imahinasyon dahil sa pagsusulat.

Dahil sa aking hilig sa pagsusulat, nakabuo na rin ako ng isang nobela na sa ngayon ay paunti-unti kong pino-post ang mga bahagi nito rito sa Steemit. Ito ay pinamagatang Bitter No More, kung saan ang bida ng kwento ay minsang nabigo sa pag-ibig ngunit tinutulungang makabangon ng kanyang kaibigan. Ito’y mayroong mga tips, at pati na rin dos at don’ts sa pagmo-move on. Isinulat ko ang nobelang ito noong ako’y nabigo sa pag-ibig sa ikalawang pagkakataon. Naging inspirado akong ibahagi ang mga karanasan ko sa pagbangon mula sa pagkabigo sa pag-ibig dahil alam ko kung gaano kahirap ang mag-move on.

Ang pangalawa ko namang isinulat na nobela na ipo-post ko rin dito sa Steemit ay pinamagatang Masked Coquette. Sa totoo lang, wala akong balak na i-post ang kwentong iyon dito. Hindi ko na nga rin iyon tinapos dahil sa hindi kaaya-ayang laman. Sabihin na lang nating hindi iyon angkop sa mga bata. Pero dahil nga sa pangungumbinsi ng dalawa kong lodi na sina @twotripleow at @johnpd na tapusin ang kwento, naisipan kong ituloy na nga lang ito at i-edit na lamang ang mga hindi kaaya-ayang laman para hindi rin ako mai-report dito sa Steemit. Mahirap na. Hahahaha!

Kaya ko isinulat ang ka-echosang ito ay para ipaalam sa aking mga mambabasa (kunwari meron talaga! Hahahaha) na may bago akong bubuuing schedule para sa pagpo-post ng dalawa kong nobelampungan-slash-nobelandi-slash-pornobela (term ng mga katropa ni Toto). Sa ngayon, ang schedule ko sa pagpo-post ng Bitter No More ay tuwing Lunes hanggang Biyernes. At dahil dalawang nobela na nga ang ipo-post ko, mababago na ang nakagawiang schedule dahil hindi keri ng powers ko na araw-arawin ang posting ng dalawa.

At dahil diyan, ito na nga ang magiging bagong posting schedule ng dalawang nobela:

Bitter No More — MWF (Lunes, Miyerkules, Biyernes)
Bitter No More.PNG


Masked Coquette — TThS (Martes, Huwebes, Sabado)
Masked Coquette.PNG

Ang schedule sa itaas ay magiging epektibo simula ngayong Lunes.
Ngunit nais ko rin sanang ipagbigay-alam na hindi ko maipapangako na masunod ang nabanggit na schedule. Pero tutuparin ko iyan sa abot ng aking makakaya. Kapag hindi naman ako nakapag-post dahil abala rin talaga ako sa totoong buhay, hahabulin ko naman ang bilang ng bahagi na hindi ko nai-post nang sa gayon ay maging regular pa rin ang pag-update ko sa mga kasunod na bahagi.

Ang panimulang bahagi ng Masked Coquette ay ipo-post ko rin mamaya para magkaroon ng ideya ang iba kung tungkol saan ang ikalawang nobela natin. At para abangan ito sa susunod na linggo. :)
Isa rin sa mga gagamitin kung tag simula ngayon ay ang #jemzemnobela para madaling mahanap ang mga ito.

Ako’y labis na nagpapasalamat sa mga tumatangkilik sa aking mga sinusulat lalong-lalo na sa ibinahagi kong nobela. Kay boss @twotripleow na walang sawang sumusuporta sa gawa ko at sa pagtitiwala sa kakayahan ko, kay mam @romeskie na aktibong tumatangkilik sa aking isinulat na nobela, @tagalogtrail sa patuloy na pagsusuporta sa mga akdang isinulat gamit ang ating pambansang wika, sa mga katropa namin sa discord server ni Toto, at sa lahat ng mambabasa at magiging mambabasa ko pa lamang… walang katapusan at taos-puso akong nagpapasalamat sa inyo! Mabuhay! :D


pinagkunan ng larawan:Bitter No More Cover, Masked Coquette Cover

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

An-yel poreber!!!

Mam @jemzem pag nagpublish ka ng bitter no more dapat may kopya ako na may dedication, picture ng pandesal ni kuta Ayel at signature pati dedication mo ha. Para pag sikat na sikat ka na, ipapaframe ko yun at ipapa-auction. Hahahah

More power ate @jemzem!!

Grabeeee mam @romeskie! hehheheheh. Marami pa akong kakaining kanin niyan. Pero kahit hindi ako sumikat, bibigyan pa rin kita ng abs ni Ayel. hahahahah. More power din sa 'yo mam @romeskie! :D

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 95076.63
ETH 3277.51
USDT 1.00
SBD 3.26