Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabindalwang Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Bitter No More.PNG

Ang nakaraan...

Isa lang ang naiisip niya ngayon. Kung ayaw nang bumalik ni Jade sa kaniya, sisiguraduhin niyang pagsisisihan ng binata ang ginawa nito sa kaniya. Gusto niyang iparamdam kay Jade ang sobrang sakit na gaya ng ipinaramdam nito sa kaniya.


NAG-AAYOS siya ng sarili dahil napagpasyahan niyang pumasok sa mga panghapon niyang subjects. Pagkatapos niyang mag-ayos ay bumaba na siya sa kanilang sala para kumain muna ng agahan pati na rin ng tanghalian bago umalis.

"Gising ka na pala, Anak. Halika na rito," nakangiting wika ng Mama niya sabay hila sa kaniya papunta sa kanilang hapag-kainan.

Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya. Umupo na siya sa hapag-kainan at umupo rin ang Mama niya sa tapat niya.

"Naparami ang inom mo kagabi, a?"

Napatingin siya sa Mama niya at biglang nakaramdam ng hiya.

"Sorry po, Ma," mahinang sagot niya.

Nagsimula na rin siyang sumubo ng pagkain at hindi tumitingin sa kaharap niya.

"Buti na lang at inihatid ka ni Ariel. Kung ibang lalaki 'yung naghatid sa 'yo, naku! Baka nagwala 'yung Papa mo."

Nagulat siya sa sinabi ng Mama niya kaya napatigil siya sa pagkain.

"Inihatid ako ni Ariel?" bulalas niya.

Pinilit niyang maalala kung paano siya inihatid ng kaibigan. Pero wala siyang matandaan sa ginawang paghatid nito sa kaniya kagabi.

"Pambihira ka naman, Anak! Huwag ka nang uminom nang ganoon kung hindi ka naman pala makaalala 'pag lasing ka," saad nito sa kaniya.

Tumango na lang siya sa sinabi ng Ina at muling kumain. Nahihiya siya sa mga magulang niya dahil sa paglalasing niya nang ganoon. At sigurado siyang mas kahiya-hiya kapag nalaman din ng mga ito na naglasing siya nang ganoon dahil kay Jade.

Hindi niya alam kung papaano sasabihin sa mga magulang niya na wala na sila ni Jade. Hindi niya rin kasi alam kung ano ang isasagot kung sakaling tanungin siya ng mga ito kung bakit sila naghiwalay. Sigurado siyang magugulat ang mga ito kapag nalaman nilang basta nalang siyang iniwan ni Jade. Gusto pa naman ng mga magulang niya ang binata dahil mabait ito.

Pagkatapos niyang kumain ay umalis na siya papunta sa paaralan nila.


HABANG naglalakad siya paakyat ng building sa kanilang paaralan para sa isa niyang subject ay may biglang umakbay sa kaniya mula sa kaniyang likuran.

"Akala ko hindi ka na papasok!"

Nilingon niya kung sino ang umakbay sa kaniya. At nang malaman niyang si Ariel ay agad niyang inialis ang kamay nito na nakapatong sa kaniyang balikat. Hinarap niya ang binata at tinaasan ng kilay.

"Bakit mo ako inihatid sa bahay kahapon? Bakit nandoon ka sa bahay nina Jesa?" sunod-sunod niyang tanong.

"E kasi lasing ka?" Pinagdiinan nito ang salitang 'lasing' pagkasabi niyon. "At tinawagan din ako ni Jesa para sunduin ka kasi sobrang lasing mo na raw. At tama nga siya, sobrang lasing mo!" paliwanag pa nito sa kaniya.

"Salamat! Pero kaya ko naman sana ang sarili ko. Next time, 'wag ka na lang mag-abala," sabi niya habang patuloy sa pag-akyat sa hagdanan ng building.

"Kaya raw ang sarili niya?" sabi nito na may pang-aasar na tono. "Hindi mo na nga matandaan kung anong kadramahan ang pinaggagawa mo kagabi, e."

Napahinto siya sa paglalakad at bahagyang lumingon kay Ariel. Iniisip niyang marahil ang eksena nila ni Jade ang tinutukoy nitong kadramahang ginawa niya kagabi.

"Huwag kang mag-alala, Ariel. Wala na ang mahinang Anchelle. Dahil simula sa araw na ito, hindi na siya iiyak. Lalaban na siya. At wala nang mananakit sa kaniya." Ngumiti siya nang mapakla sa kaibigan.

Ibang-iba na nga siya. Sa isang iglap ay tila naging manhid ang puso niya. Wala siyang maramdamang ibang emosyon maliban sa galit at hinanakit dahil sa ginawa ni Jade sa kaniya. Nilamon na ang puso niya ng poot. Dahil sa nararamdaman niyang iyan ay isa lang ang tangi niyang gusto - ang ipalasap kay Jade ang malutong niyang paghihiganti.

"An An, huwag mong hayaang lamunin ng poot ang puso mo. Hindi masayang mabuhay na puno ng galit ang iyong dibdib. Hayaan mo na lang na makasalubong niya ang karma." Hinawakan nito ang magkabila niyang braso at tinitigan ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata.

"Iyon na nga, Ariel. Gusto kong matikman niya ang lupit ng karmang ako mismo ang magpatitikim sa kaniya!" puno ng galit niyang sagot sa kaibigan. "Huwag mo akong pakialaman kung ayaw mong tapusin ko ang pagkakaibigan natin!" banta pa niya rito bago tuluyang talikuran ang binata.

Naiwan si Ariel na nakatayo at napailing habang sinusundan ng tingin ang papalayong kaibigan.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Ang haba na ng serye parehas di ko pa nababasa both gawa ng naka leave kami ni Junjun nitong mga nakaraang araw. Hahaha kala mong bayad ano?

Maghahabol kami dito pati dun sa Masked croquette.

Wow! Masaya na ako't napadaan ka ngayon dito, Toto. 😊
Saka miss ko na rin 'yong TagalogSerye. Hehehe. Pero deserve n'yo rin namang mag-break kaya chill lang kami habang hinihintay kayo.

Hahhaha oo naman babalik kami next bukas este mamaya pala at sa pagbabalik namin mas recharged na kami kasi may nadagdag na sa team si @lingling-ph

Wow! Sino si Lingling? Ipakikilala mo na ba siya bukas?

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69508.29
ETH 3366.22
USDT 1.00
SBD 2.74